Chapter 34 ANALYN MAE POV LUMAYO AGAD AKO SA AMO KO dahil baka may mangyare na naman. Gising na ang mga kasama ko sa mansion at baka magtaka si manang kung bakit matagal ako sa taas. " Ahm, sir. Labas na po ako. Baka hanapin na ako ni Manang." Paalam ko sa kanya na hindi tumitingin pero ang katawan ko ay nag-iinit na. Napangiti naman siya at parang hindi naman galit. " Okey, magpapa-check up kaba?" " Opo, mamaya. Pero hindi na po ako magpapasama kay manang. Baka kasi malaman niya eh." Ani ko. " Gusto mo samahan kita?" " Wag na po." Mabilis ko naman tanggi. " Nakakahiya, kaya ko naman po eh." Nahihiya ko naman wika. Nakakahiya naman kung kasama ko pa siya. Baka pagtinginan pa kami ng mga tao doon. " Okey." Aniya saka kinuha ang pitaka niya sa may lagayan at kumuha ng pera. " Ito,

