Chapter 57 ANALYN MAE POV NANG DUMATING ANG LINGGO ay nagpaalam ako kay Manang magsisimba muna dahil wala naman pasok ang alaga ko ngayon at mamaya naman ay mamimili kami ng ihahanda ko sa birthday ko. Simple lang naman kasi kami-kami lang. Ewan ko lang kung makikisali samin si sir Larusso mamaya. Sana. Sabi ng puso ko. Gusto ko talagang maka-bonding ang boss namin kahit sa inuman lang namin mamaya. Sakay na ako ng jeep patungo sa simbahan ng tumunog ang cellphone ko at nakita kung tumatawag ang kaibigan kung si Anna. " Hello?" " Hi, beshie. Happy birthday. Sorry wala akong regalo." Napangiti naman ako dahil si Anna ang unang bumabati sakin kapag birthday ko kesa sa mga kamag-anak ko. Kung hindi ko pa ipapaalala sa kanila ay hindi nila malalaman. " Salamat sis. Sorry kung hindi na

