Chapter 24 ANALYN MAE POV MATAMLAY AKO BUONG maghapon dahil hanggang ngayun ay inaantay ko parin ang text at tawag ni Lorenzo. Yung contacts ko naman sa probinsya ay wala pang binibigay na impormasyon sakin about sa binata dahil 'di niya daw nakikita si Lorenzo. Subra kona siyang namimiss at gusto ko ng marinig ang boses niya. Hindi na ako nakakain ng maayus o nakakatulog sa kakaisip sa binata. Wala rin akong ginawa kundi umiyak kaya palaging maga ang mga mata ko. Pero kahit gano'n pa man ay hindi ko pinapabayaan ang trabaho ko. Naaasikaso ko parin ang alaga ko at nakakapaglinis parin ako ng mga kwarto ng amo ko kahit tamad na tamad ako. Parang gusto kona lang humilata buong magdamag kesa kumilos pero hindi pwede. Pinipilit kona lang ang sarili ko para hindi sila magalit sakin. Isang

