Chapter 49 ANALYN MAE POV NAPALINGON AKO KAY ATE JACKIE ng marinig ang sinabi niya. Nandito kami sa kusina para kumain ng tanghalian. Hindi ko pa tapos ang ginagawa ko at kumain muna ako. Pero sila ay tapos na ang ginagawa nila. " Pwede ba 'yun? Hindi ba magagalit si sir Larusso?" Tanong ko dahil baka magalit ang amo ko kapag may pumunta ditong lalake. Napansin ko nga nagagalit siya kapag may lalaking kumakausap sakin. Yung pagtitig nga lang sakin ng secretary niya ay nagagalit na siya. Ito pa kayang may lalaking pumunta sa bahay niya. " Oo naman, okey lang 'yan kay sir Larusso. Dati nga pumunta dito ang asawa ko okey lang sa kanya." Sagot sakin ni ate Jackie at sumabat na si Manang. " Okey lang 'yan. Lalo na kapag kilala natin." " Uy, magkaka-lovelife na siya." Panunudyo naman sak

