MASUYONG HINALIKAN ni Daryl ang noo ni Carol. Gustong gusto na niyang sabihin ang tungkol sa problema niya ngunit nauunahan na naman siya ng takot. “Mahal na mahal kita, Carol. Kung puwede lang na oras-oras, kasama kita. And I know na ilang beses ko nang sinabi iyon sa’yo,” usal ni Daryl sa ma-emosyon na tono. “Basta kahit ano man ang mangyari, hindi ako papayag na magkahiwalay na naman tayo. Alam mo naman na mula noon hanggang ngayon, handa akong ipaglaban ka at ang pagmamahalan natin.” Carol’s arms wrapped around his neck and pulled him closer. “I know I’ve told you that many times before. But I’ll never get tired of telling you how much I love you, Daryl. Ikaw lang ang gusto kong makasama hanggang sa huling hininga ng buhay ko.” Ilang sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata bago ma

