I CHOSE YOU

2204 Words

HABANG kumakain ng hapunan ay papindot-pindot rin si Carol sa katabi niyang cellphone. Ka-chat kasi niya si Daryl nang mga oras na iyon. Nawili siya sa pakikipag-chat sa nobyo kaya nawala sa isip niya na kaharap niya pala ang mga magulang. Bkit puro mali-mali ang reply mo, babie? Ang sabi ko, kung kumain ka na ba? Napangiti pa siya bago pinindot ang send button. Kanina ko pa nga napapansin na nawawala ako sa sarili ko. Siguro na sayo ako no? Napahagikhik si Carol sa reply ni Daryl na bumabanat na naman ng pick-up lines. Baliw. Puro ka talaga kalokohan. Di nga. Kumain ka na ba? reply ni Carol. Yeah. Busog na busog nga ako eh. Ano bang inulam mo? Ikaw... reply nito na laugh emoji na sa dulo. Napasimangot siya sa reply ng nobyo. Siguradong inaasar na naman siya nito. Gustong sabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD