MABILIS na pinatakbo ni Daryl ang sasakyan. His heart was beating ridiculously fast.
Kailangan niyang makarating agad sa bahay niya. Nag-aalala siya nang sobra kay Carol.
Pagkatapos ng naging laban nila ni Leah kanina, mukhang seryoso na talaga ang Maria Cedez na gantihan siya. At sa mga oras na iyon, malamang ay nabalitaan na ng grupo na pumalpak na naman ang inutusan ng mga ito para patayin siya.
Siguradong lalo lang tumindi ang galit ng mga ito kay Daryl dahil sa pagpatay niya kay Leah.
At hindi malabong kumikilos na agad ang Maria Cedez para sa Plan B ng mga ito. Kung hindi siya nagkakamali, iyon ay ang gamitin ang mga taong pinoprotektahan niya laban sa kaniya kung hindi siya kayang patayin nang direkta.
Kahit tinawagan na ni Daryl sina Marco at iba pa niyang tauhan na puntahan si Carol at siguraduhin ang seguridad nito ay hindi pa rin siya mapakali hangga't hindi niya ito napapaalis ng bansa, malayo sa mga kalaban.
Alam niyang malawak ang koneksiyon ng Maria Cedez. Katulad din ng Los Collazos na umaabot sa malaking bahagi ng Asya. Gayon man ay mahirapan pa rin itong puntiryahin si Carol.
May mga tao rin naman siya sa Pilipinas na uutusan niya para patuloy na bantayan ang madre. Dahil gustuhin man ni Daryl na siya ang magprotekta kay Carol ay hindi puwede.
Lalo lang manganganib ang buhay nito.
Medyo malapit na sa bahay niya si Daryl. Habang papalapit ay ramdam na rin niya ang presensiya ng mga kalaban. Wala siyang nakikita sa paligid ngunit malakas ang pakiramdam niya.
He drove the car fast and skillfully. Habang iniisip ang mga posibleng ambush kaya alerto siya sa paligid.
His phone rang, and it was Santiago.
"Boss D, nandito na kami sa Avenida Suarez. Pero maraming kalaban ang nakabantay sa kalsada papunta sa bahay mo," sabi ni Santiago sa kabilang linya na may tensiyon sa boses.
Hindi ganoon kalayo mula sa bahay niya ang tinutukoy nitong kalye.
"Chingada!" Damn it!
"Bantay-sarado nila lahat ng mga puwede nating daanan kaya hindi kami basta-basta makadaan. May dala silang RPG," dagdag nito na ang sinasabi ay ang Rocket-Propelled Gren*de. "Pero huwag kang mag-alala. Nauna na sina Marco sa bahay mo. Nakatago na raw sa underground bunker sina Sister Carol. They were also surrounded by Maria Cedez's men."
Daryl tightened his grip on the steering wheel. "Got it, Santiago. I'm on my way to the house. Get ready. Dadaanan ko kayo diyan sa Avenida Suarez."
"Ententido, Jefe D," Copy that, Boss D. sagot ni Santiago.
"Nasaan nga pala si Mateo?"
"On the way pa lang daw, Boss D. Kagigising lang. Napasarap yata sa piling ng babaeng mukhang empanadang napirat," nagawa pang magbiro ni Santiago sa kabila ng nakakatensiyon na sitwasyon.
"Okay. I'll call him."
Tinawagan niya si Mateo na mabilis namang nasagot nito. Agad niya itong binigyan ng utos at sinabi ang lokasyon na kinaroroonan nina Santiago.
"Mateo, we've got an RPG threat southwest of the house. Take him down. Now!"
"Copy that, Boss D. I'm at medium range. Three hundred meters," sagot ni Mateo. "Nakikita ko na ang target pero hindi gaanong malinaw."
"Roger that, Mateo. Adjust your aim para sa three hundred meters. Hold your fire hanggang malinaw na ang target," utos uli ni Daryl kahit alam naman niyang hindi na niya kailangang ituro iyon sa kaibigan. "Kumpirmahin mo kapag ready ka na."
"Copy, Boss D."
Hindi niya ibinaba ang tawag. Naririnig lang niya ang kaluskos ng mga paghahanda ni Mateo. He trust him. Alam ni Daryl na kayang kaya iyon ng kaibigan niya.
Mateo was one of the best snipers he had known. He had taken down many targets even when they were eight hundred to one thousand five hundred meters away.
Mas binilisan pa ni Daryl ang pagmamaneho. Pero tinantiya niya ang lokasyon. Hindi siya maaaring lumapit sa mga kalaban. Sakali mang magtagumpay si Mateo ay may posibilidad na sasabog ang RPG.
Ayon kay Santiago kanina, RPG-7 pa naman daw ang dala ng mga kalaban. Kung tama ang kalkulasyon niya mula pito hanggang kinse metro ang radius na kayang pinsalain niyon.
Siguradong magpira-piraso ang katawan niya kapag nagkataon..
Kung tutuusin, kayang wasakin niyon ang mansion niya na kinaroroonan nina Carol. Pero mukhang siya talaga ang target ng Maria Cedez kaya inaabangan ang pagdating niya.
"Boss D, I'm engaging," kapagkuwan ay narinig niyang sabi ni Mateo.
"Copy that, Mateo! Take the shot!"
A few moments later, the sound of gunfire erupted as Mateo moved into action. Nakatuon naman ang mga mata ni Daryl sa target. Humigpit ang daliri niya sa trigger.
"Target down, Boss D!" natutuwang sigaw ni Mateo sa kabilang linya.
Kitang-kita niya kung paano napira-piraso ang katawan ng target nang mag-explode ang RPG-7. Ganoon din ang mga kasamahan nito na nasa paligid.
Saka lang lumabas sa pinagtataguan niya si Daryl. Tiningnan niya ang paligid kung may iba pa bang banta pagkatapos mamatay lahat ng mga kalaban.
Nakita rin niya ang mga kasamahan niya na agad rumesponde nang marinig ang malakas na pagsabog.
"Clear!" malakas na sigaw ni Daryl. "Move in. Secure the area," utos niya sa mga ito nang magkita-kita sila.
Ilang sandali pa ay dumating na rin si Mateo. "Sorry, Boss D. Muntik na akong hindi umabot. Masiyadong ginalingan ng mukhang empanada—"
"Good job." Tinapik niya sa balikat si Mateo kaya napahinto ito sa pagkukuwento sa kalokohan. "Kailangan na nating puntahan sina Marco. Nanganganib ang buhay nila. Lalo na si Carol."
MALAYO pa lang ay narinig na nila ang malalakas na putukan kaya lalong nag-alala si Daryl.
Mabilis naman na bumaba ng sasakyan sina Santiago at mga kasamahan nila para tulungan sina Marco na nakikipaglaban na pala sa mga tauhan ng Maria Cedez.
Si Mateo naman ay agad naghanap ng magandang puwesto habang bitbit pa rin ang sniper rifle nito.
Samantalang si Daryl naman ay pumasok na sa loob ng bahay. Pinuntahan niya ang underground bunker at saka kinuha si Carol at mga kasama nito.
"Daryl!"
"Let's go!" sabi niya rito habang namumutla ito sa takot.
Eksaktong paglabas nila ng bunker nang may sumalubong sa kanila na mga kalaban. Pinagbabar*l sila.
Nagsigawan ang mga kasamahan ni Carol at nagkaniya-kaniya ng tago para iligtas ang mga sarili. Habang si Carol naman ay itinulak niya sa likod ng sofa.
"Stay down!" utos niya rito habang tinatakpan ito ng kaniyang katawan para hindi makita ng mga kalaban.
O para hindi ito matamaan ng mga balang lumilipad sa mga oras na iyon.
Lalong uminit ang putukan. Daryl took down enemies one by one. Takot na takot naman si Carol habang nanonood sa kaniya na nakikipaglaban.
"Daryl! Mag-ingat ka!" puno ng pag-alala na sigaw nito sa kaniya. "Umalis na lang tayo dito," kapagkuwan ay wika nito nang makitang sunod-sunod ang pagdating ng mga kalaban na tila hindi nauubos.
But Daryl did not stop shooting until the enemies were down.
Saka lang tumigil sa kakasigaw sina Carol nang maubos ang mga kalaban nila.
Umiiyak naman na tumakbo papunta sa kaniya si Carol. "Daryl, akala ko mawawala ka na!" sabi nito bago siya niyakap nang mahigpit. "Sobrang tinakot mo ako kanina. Mag-isa ka lang tapos ang daming kalaban."
But Daryl did not hug her back.
"We need to get out of here, now," sa halip ay matigas na wika niya.
Hindi niya alam kung napagtanto ba ni Carol na isa itong madre at bawal yumakap sa lalaki. O napahiya ito dahil sa kalamigan na naman na ipinapakita niya rito kaya mabilis itong kumalas at dumistansiya sa kaniya.
"O-okay." Nahihiya lang na tumango si Carol at iniwasan ang malamig na tingin ni Daryl.
Nakahinga rin nang maluwag si Daryl nang makitang buo pa ang grupo niya at hindi sila nalagasan ng kasamahan kahit isa. Bagaman at lima ang sugatan.
"Ako na ang bahala sa kanila, Boss D," pag-aalok ni Santiago. "Kailangan n'yo nang maihatid sa airport sina Sister Carol."
Dating military doctor si Santiago na napilitang bumitiw sa serbisyo at sumapi sa Los Collazos dahil sa personal na rason.
"Okay. Pero sa safehouse na kayo. Posibleng bumalik pa ang mga iyon, kasama ang mga kaalyansa nila," sabi naman ni Daryl.
"We're safe," si Mateo iyon na bumaba mula sa ikatlong palapag ng bahay niya.
Kasunod naman nito si Marco.
"Ready the car," utos niya kay Marco. "Kailangan na nating maihatid sa airport sina Carol bago pa man bumalik ang mga kasamahan ng Maria Cedez."
Marco nodded and quickly moved to prepare the vehicle.
Bago umalis ay tiningnan muna ng mga tauhan ni Daryl ang buong bahay. Labas at loob man. Para siguruhing wala ng natitirang panganib.
"Vamonos, ahora !" Let's move, now! mayamaya ay sigaw ni Daryl sa lahat ng mga sasama sa airport.
Inalalayan ng mga tauhan niya ang mga kasama ni Carol. Ito naman ay hinawakan niya sa kamay.
"What?" kunot ang noo na tanong niya rito nang mahuli niya ito na titig na titig sa kaniya.
Na para bang nagtataka kung bakit niya hinawakan ang kamay nito.
"A-ang kamay ko," anito at akmang babawiin ang kamay.
Pero lalo lang humigpit ang pagkakahawak ni Daryl sa kamay ni Carol. Ngunit ang kaniyang mga mata ay hindi nagpakita ng ano mang emosyon.
"You're not going anywhere until I say so," he said coldly.
Hindi niya sinasadya ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. But he was scared as hell.
Scared of losing Carol again.
Gayon man ay pilit niyang nilabanan ang damdamin niyang iyon. Pillt niyang ipinakita kay Carol kung anong klaseng tao na siya ngayon nang sa ganoon ay lumayo na rin ito sa kaniya.
Binitiwan niya ang kamay ng madre.
Hinugot niya ang bar*l sa likuran. Nilapitan niya ang isang kalaban na napasiksik sa sofa at naghihingalo na. He pointed the g*n at him. At saka walang pag-alinlangan na ipinutok iyon sa ulo ng kalaban.
Lahat nang nakakita, maliban sa mga tauhan niya ay napasigaw sa gulat.
"Daryl!" may galit sa boses na saway sa kaniya ni Carol nang lapitan siya. "Kailangan mo ba talaga na barilin mo pa siya? Wala na ngang kalaban-laban 'yong tao, 'di ba? He's dying."
"Hangga't humihinga pa, banta pa rin iyon," malamig niyang tugon.
Matalim ang tingin na ipinukol sa kaniya ni Carol. "Ano ba ang nangyari sa'yo, Daryl? Anong klaseng tao ka na ba ngayon at ang dali na lang sa'yo ang pumatay ng tao?" dismayadong tanong nito bagaman at parang iiyak. "Bakit ka naging ganito? Bakit parang wala ka ng takot sa Diyos? Nasaan na ang Daryl na palasimba noon at God-fearing?"
Tumingin sa ibang direksyon si Daryl. Ang mga mata niya ay hindi pa rin nagpapakita ng ano mang emosyon.
"Huwag mo ng hanapin ang Daryl na sinasabi mo, Sister Carol. Matagal na siyang patay," matigas na saad niya. "You killed him."
"D-Daryl, ano ba ang sinasabi—"
"Wala akong oras para sa mga tanong mo," agad na pagdidiin niya. "Kailangan na nating umalis. At kung gusto mong makauwi kayo ng buhay sa Pinas, sumunod ka lang sa lahat ng sasabihin ko."
Carol looked at him for a while.
Kapagkuwan ay malungkot itong tumango. Tahimik silang lahat na sumakay sa sasakyan nang iparada iyon ni Marco sa tapat nila.
Van na ang gamit nila habang naka-convoy naman sa kanila ang dalawang kotse na sakay sina Mateo. Pagkasakay nilang lahat ay mabilis na iyong pinatakbo ni Marco papuntang airport.
DUMATING sila sa airport na hindi man lang sila nag-usap muli ni Carol.
Nakatitig lang siya sa labas ng bintana at ang mga kamay niya ay nakakuyom ang mga kamao.
"Take her," utos niya kina Marco at Mateo nang bumaba ang mga ito at binuksan ang pintuan ng van. "Get her on the plane, now."
Tumango naman ang mga tauhan niya, at lumapit kay Carol, na nakatingin sa kanya na may pagkalito at sakit sa mga mata.
"Daryl, ano—" pero bago pa man nito matapos ang tanong ay nakakuha na ito nina Marco at Mateo at hinila palabas ng sasakyan.
Ganoon din ang mga kasamahan ni Carol.
"Daryl!"
Narinig pa niya ang umiiyak na pagtawag sa kaniya ni Carol habang papalayo ang mga ito.
But Daryl just turned his back on her. His jaw clenched in a fierce determination. He could not watch her leave, could not bear the thought of losing her again.
Nanatili siyang nakatingin sa labas ng bintana nang maisara ang pinto ng van. His heart pounding in his chest like a ticking time b*mb. He felt like he was dying.
Like a part of him was being ripped away. Parehong pareho ng naramdaman niya noong unang beses sinabi sa kaniya ni Carol na pinipili nito ang pagmamadre kaysa sa pagmamahalan nila.
Hindi alam ni Daryl kung kakayanin ba niya na mawala uli sa kaniya si Carol.
But he had to.
He had to for her own safety.