Warning: Rated SPG!

1731 Words

IlLANG ARAW na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik sa Mexico si Daryl. Parang may pumipigil sa kaniya na huwag na munang umalis. Ilang beses nga siyang natukso sa kabilang bahay dahil gusto rin sana ng binata na kumustahin ang mga magulang ni Carol. Pero ayaw na niyang maguluhan pa ang mga ito kapag nakita ang bagong siya. Hindi rin naman siya magtatagal sa lumang bahay nila. Pumunta lang naman siya sa Pilipinas para personal niyang makita na totoong maayos ang kalagayan ni Carol. Lalo na nang malaman niya na umuwi ito sa mga magulang. Hindi niya magawang umalis pagkatapos ng naging pag-uusap nila. Hindi mawala sa isip niya ang mga sinabi nito. Mahal kita. Noon, ngayon. At dahil mahal kita, itinulak kita palayo. Dahil alam kong kung mananatili ako, pipiliin mo ako kaysa sa sarili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD