SA gazebo ng kanilang bakuran dumiretso si Carol imbes na sa loob ng bahay nila. Ayaw niya na makita ng mga magulang niya na umiiyak siya.
Siguradong magtatanong ang mga ito.
Sobrang sama ng loob ni Carol nang mga sandali iyon. Iyon ang pinaka-unang beses na umiyak siya nang dahil kay Daryl.
Iyon na rin yata ang pinakamalala na naging away nila simula noong mga bata pa lang sila.
At ang sakit-sakit pala.
"Carol..." boses iyon ng binata na sumulpot sa likuran niya.
"Umalis ka na," sa halip ay mariing sagot niya. "Ayaw kong makita ka. Hindi rin kita kakausapin. I hate you, Daryl. Pinagmukha mo akong masama kanina."
Ngunit hindi nakinig si Daryl sa pagtataboy niya.
Sa halip ay umupo ito sa tabi niya at niyakap siya. Sinubukan niya itong itulak pero mahigpit ang pagkakayakap nito kaya hindi siya makawala.
Pinagsusuntok na nga niya ito pero ayaw pa rin siyang bitiwan.
"I'm sorry... Hindi ko sinasadya 'yong ginawa ko kanina, 'yong mga sinabi ko. Nadala lang ako ng selos," malumanay na paliwanag nito.
Bakas ang matinding pagsisisi sa boses nito.
Awtomatikong natigilan ang dalaga sa narinig.
So, she was right then. Nagseselos nga kay Vaughn ang best friend niya kaya ganoon na lang ito kung umakto.
Sabagay, ganoon din naman ang nararamdaman ni Carol sa tuwing nakikita niya si Daryl na may kasamang ibang babae. Lalo na si Briella.
Nagtataka lang siya.
Paanong nangyari na parehas sila ng nararamdaman ni Daryl kapag may kasama silang iba? Dahil doon kaya unti-unti niya itong naunawaan.
Unti-unting kumalma ang pag-iyak ni Carol.
"Wala ka namang dapat na ipagselos, eh. Kasi hindi naman talaga nanliligaw sa'kin si Vaughn," kapagkuwan ay mahinahon na paliwanag niya rito. "Hindi ko siya gusto kaya bakit naman ako magpapaligaw sa kaniya? Alam mo rin na hindi ako puwedeng magpaligaw. Paulit-ulit na lang tayo, Daryl."
Hindi niya alam kung bakit napangiti ito.
"Promise? Hindi mo gusto si Vaughn? At hindi ka nagpapaligaw sa kaniya?"
"Oo nga! Ngayon naiintindihan mo na kung bakit ako inis na inis kay Briella?"
Napasinghap ito. "Iba naman kasi si Vaughn, eh. Gusto ka niya."
Napanguso ang dalaga. " At ano naman ang ipinagkaiba nila? 'Di ba gusto mo rin naman si Briella? Parehas tayong nagseselos pero ni minsan ay hindi kita sinabihan nang masama. Never kitang inaway."
Inilayo ni Daryl ang sarili para tingnan siya. "Patawarin mo na ako, please?" May pagmamakaawa sa kulay kastanyas nitong mga mata. "Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko kanina. Biglang nag-panic ang puso ko nang makita ko kayo ni Vaughn na magkasama. Tapos bitbit pa niya ang bag mo. Alam mo namang hindi ako sanay na makita kang may kasamang ibang lalaki. Tapos alam ko pa na crush ka ni Vaughn."
Kumunot ang noo niya. "Panic? Bakit naman nag-panic ang puso mo?"
He stared her fixedly. "I have something to confess. Kaso..." saglit itong tumigil at pinakiramdaman muna siya. "N-natatakot ako na baka magalit ka sa'kin. Na baka ayaw mo na akong maging best friend at layuan mo na ako. Kaya nga kahit matagal ko ng nararamdaman 'to, sino-solo ko na lang."
Her heart skipped a beat.
Lalo siyang naguluhan sa mga sinabi ng kaibigan.
"Ha? Bakit naman ako magagalit?" inosenteng tanong niya. "Ano ba 'yong matagal mo ng naramdaman na hindi mo masabi sa'kin, Daryl?"
Naguguluhan na talaga siya sa mga ikinilos at sinasabi nito. Hindi rin niya maintindihan kung bakit kinakabahan siya.
"I'm in love with you, Carol..."
Random lang naman ang pagkakasabing iyon ni Daryl. But it threw her entire system into shock. She was stunned...she didn't know what to say.
Sari-sari ang nararamdaman niya nang mga oras na `yon.
"L-love? You love me, as in...a r-romantic way?" sa wakas ay nagawa niya iyong isatinig.
Kinuha ni Daryl ang kamay niya at hinawakan. "Mga bata pa lang tayo ay minahal na kita, Carol. Akala ko noon, pagmamahal lang din iyon bilang kaibigan. I started to realize it during our elementary graduation.
"Nakita ko na may lalaking nagbigay sa'yo ng graduation gift. Akala ko noon selos lang 'yon bilang kaibigan." Bumuga ito ng hangin bago nagpatuloy. "Pero hindi, eh... dahil habang tumatagal ay lalo lang nagiging special ang tingin ko sa'yo. Kung alam mo lang kung paano ako nasasaktan sa tuwing naiisip kong magmamadre ka. Gusto kitang pigilan pero siguradong magagalit ka lang. Kaya ang akala mo noon ay wala akong crush pero ang totoo niyan, ikaw talaga iyon. Ikaw ang crush ko noon pa man. Ikaw lang at wala ng iba."
Naguguluhang binawi ni Carol ang kamay. "P-pero ang sabi mo si Briella ang crush mo?"
"Alam mo ba kung gaano kahirap mag-pretend na wala akong gusto sa'yo? Ang hirap magpanggap na ibang babae ang gusto mo kahit ang totoo, nasa tabi mo lang naman ang mahal mo talaga," wika pa ni Daryl na punong-puno ng kaseryosohan ang mukha habang titig na titig sa kaniya.
"Ginagamit mo si Briella para lang pagselosin ako?"
Marahan itong tumango. "Biruan lang namin 'yong kunwaring paglalambingan namin. Pero sinubukan ko talaga na ibaling sa kaniya 'yong feelings ko sa'yo. Kasi alam ko namang hindi puwede `tong nararamdaman ko. Ayokong magalit sa'kin sila Ninang kapag nalaman nilang higit pa sa kaibigan o kapatid ang tingin ko sa'yo. Baka pagbawalan na nila tayong magkasama palagi." Muli nitong kinuha ang kamay niya. "Natakot din ako na baka hindi mo ako tanggapin... I know naman na mga bata pa lang tayo, gustong-gusto mo na talagang maging madre."
For the second time, she pulled her hand.
Hindi pa kayang i-proseso ng kaniyang isip ang mga sinasabi ni Daryl. Hindi talaga niya alam ang gagawin.
But to be honest, it made her heart so happy.
Pakiramdam niya ay may imaginary butterflies ang nagliliparan sa paligid nila ng nga sandaling iyon. But at the same time too, she was confused.
Habang tumatagal ay lalong naging special ang tingin ko sa'yo. naalala niyang sabi ni Daryl kanina.
Ganoon na ganoon din ang nararamdaman niya para sa kaibigan, `di ba? At love daw ang tawag doo?
God, hindi puwede!
Magmamadre siya.
Sa sobrang kalituhan kaya muli niyang hinila ang kamay na hawak ng kaibigan.
"I'm... I'm sorry, Daryl. Pero hindi ko talaga alam ang sasabihin ko," pag-aamin niya at saka dali-dali siyang lumabas ng gazebo at nagkulong sa kuwarto niya.
Kailangan niyang makalayo muna kay Daryl para makapag-isip siya nang mabuti. Para mapag-aralan niya ang nararamdaman niya.
Mabuti na lang at hindi siya hinabol ng kaibigan.
Hindi rin siya nito kinulit nang sumunod na mga araw. Ni hindi nga ito lumalapit sa kaniya. At aminado si Carol na sobra niya itong nami-miss.
Iyong tipong hindi pa niya naramdaman kahit kailan. God, she was lost. Humiwalay na yata sa katawan niya ang kaniyang puso.
Bakit ba bigla na lang nagbago ang feelings niya sa best friend niya? Kung kailan naman malapit na siyang pumasok sa kumbento.
Ang buong-akala ni Carol ay hindi na talaga siya papansinin ni Daryl.
Kaya nagulat na lang si Carol nang bago mag-uwian nang araw na iyon ay may iniwan itong sulat sa ibabaw ng armchair niya at kaagad din itong lumabas. Na para bang nahihiya sa kaniya.
Nanginginig pa ang mga kamay na binasa iyon ng dalaga.
Hi cute,
I miss you...
I'm sorry kung ilang araw na kitang hindi pinapansin. Nahihiya kasi ako, eh. But at the same time, gusto kong makapag-isip ka... mapag-isipan mo 'yong mga sinabi ko.
Gusto kong umasa na pareho tayo ng nararamdaman kaya nagseselos ka kay Briella. Gusto kong isipin na nakaharang lang ang balak mong pagmamadre kaya hindi mo maramdaman ang sinasabi ko.
But I love you, Carol. I love you so much. At iyon ang nagtutulak sa'kin para maniwalang mahal mo rin ako.
Anyway, may meteor shower nga pala sa plaza mamayang gabi. Gusto ko sanang magkasama tayong manood. Kapag dumating ka, ibig sabihin ay gusto pmo rin ako.
Pero kapag hindi naman, puwede bang kalimutan mo na lang ang mga sinabi ko? Kunwari na lang ay hindi mo alam na mahal kita... kunwari walang nangyari. Nang sa gano'n ay maisalba ko ang friendship natin.
Maghihintay ako, Carol...
I love you.
Lovelots,
Daryl
Hindi napigilan ni Carol ang mapangiti matapos iyong basahin.
Paano naman hindi? Noon lang kasi niya nalaman na may pagka-corny din pala ang best friend niya. May love letter pang nalalaman.
Nakakapagtaka din na sa unang pagkakataon ay kinilig siya sa sulat na iyon ng best friend niya.
Posible kayang katulad din ng damdamin ni Daryl ang nararamdaman niya?
At ano ba ang katumbas ng salitang kilig sa English? 'Di ba romantic excitement?
Wala sa loob na dinala ni Carol sa kaniyang mga labi ang kapirasong papel na iyon. Mahal nga din ba talaga niya si Daryl?
Mahal ba talaga niya ang best friend niya?
Kaya ba nagiging abnormal ang t***k ng puso niya tuwing magkasama silang dalawa? Kaya ba nababanguhan siya palagi sa hininga ni Daryl?
Kaya ba inis na inis siya kay Briella o sa kahit sinong babaeng lumalapit sa binata?
Ang dami niyang tanong na hindi niya kayang sagutin. Baka masasagot lang iyon kung makita at makausap niya uli si Daryl.
"DARYL..." pukaw ni Carol sa atensiyon ng binata na nakaupo sa bench habang nakayuko ang ulo.
Dahan-dahan itong nag-angat ng ulo at kitang-kita niya sa mga mata nito ang tuwa nang makita siya.
"Carol, dumating ka!" Excited itong tumayo at nilapitan siya.
"I'm sorry kung natagalan ako. Naghintay kasi ako sa bahay. Akala ko sabay tayong pupunta dito... Tulad ng dati."
Yumuko ito na tila nahihiya. "Pasensiya ka na kung nauna na akong pumunta rito. Nahihiya kasi ako sa'yo, eh."
"Para kang others kung magsalita..."
Nag-angat ito ng ulo kaya nagkatinginan silang dalawa. Pagkatapos ng ilang segundo ay sabay silang napangiti Iyong ngiting tanging ang mga puso lang nila ang nagkakaintindihan.
"Ang cute mo diyan sa suot mo," maya-maya'y komento ni Daryl habang pinapasadahan siya ng tingin na may paghanga sa mga mata.
Napatingin tuloy siya sa sarili.
Maong na jumper lang naman ang suot niya na above-the-knee ang haba. Tapos white rubber shoes lang naman ang ipinares niya. Anong ikinaganda sa suot niya?
"Kung sinabi mong tabachingching ako baka maniwala pa ako," biro na lang ng dalaga dahil nagsisimula na naman siyang kiligin.
Natawa si Daryl.
At nakakapagtakang sa unang pagkakataon ay tila naging musika sa kaniyang pandinig ang mga tawang iyon ng binata. And without knowing why, it also made her heart happy.
He extended his arms and held her hands.
Nagpatianod na lamang ang dalaga. Hanggang sa magkatabi na silang nakaupo sa bench habang hinihintay ang meteor shower.
Kapwa sila nakatingala sa langit para masigurong kahit isa ay wala silang mapalagpas.
Mayamaya pa ay may mga maliliit na ballfire na silang nakita sa kalangitan. Tuwang-tuwa naman siya.
"Daryl, look at there!" Parang batang tili ni Carol at saka tumayo.
"Dali, mag-wish na tayo!" puno din ng excitement na bulalas nito at tumayo na rin habang nakatingin din sa kalangitan.
Halos magkasabay pa silang pumikit.
Sana may maibibigay na akong paliwanag sa kakaiba kong nararamdaman para sa best friend ko bago ako pumasok ng kumbento. Iyon ang hiniling ni Carol na ipinagtaka rin niya.
Hindi niya iyon sinadya o kahit pinag-isipan man lang. Basta na lang iyon pumasok sa isip niya.
Ngunit mas nagulat siya sa pagsatinig ni Daryl sa wish nito.
"Sana payagan na ako ng babaeng mahal ko na mahalin ko siya..."
Napamaang ang dalaga. Nilingon niya ang kaibigan na noon ay nakapikit pa rin at nakatingala sa langit habang tuloy-tuloy pa rin ang meteor shower.
Sa katulad nilang naniniwala sa wishes, posibleng magkatotoo ang mga hiniling nila dahil sa mga ballfire sa kalangitan.
Ibig sabihin, mapapaibig niya ako? At mabibigyan na ng sagot itong nararamdaman ko sa kaniya bago ako pumasok sa kumbento?
Napalunok si Carol.
Noon lang niya namalayang nagbaba na pala ng ulo si Daryl at hawak-hawak na ang mga kamay niya. Nanigas yata ang katawan niya.
Pati ang puso na inakala niya noong maysakit ay nag-uumpisa na namang tumambol. Ang bilis naman yatang magkatotoo ng wish ni Daryl. In love na agad siya sa best friend niya?
O katulad ni Daryl, matagal na niya iyong nararamdaman pero hindi lang niya maintindihan.
"You're my crush...my love..." narinig niyang madamdaming wika ni Daryl habang hawak pa rin ang mga kamay ni Carol. "At gusto ko sa'kin mo lang din maramdaman ang mga 'yon. Siguro nga selfish ako. Pero natututo pala tayong magdamot pagdating sa taong gusto natin. Kaya nga noong nalaman ko na nagu-guwapuhan ka rin kay Tom Holland, nagalit na ako sa kaniya. Nagseseelos kasi ako, eh. Gusto ko, ako lang ang pinaka-guwapo sa paningin mo."
"N-nagseselos ka kay Spiderman?" hindi alam ni Carol kung kikiligin ba o matatawa.
"Oo!"
Hindi niya napigilan ang matawa na talaga. Kinutusan niya ito sa noo. "Baliw ka talaga, Daryl. Suntok kaya sa buwan 'yong pangarapin ko ang isang artista. Para namang magkikita kami ni Tom Holland.." nakangiti niyang saad.
"Ibig sabihin gusto mo talaga siyang makita?" nakasimangot nitong tanong.
"Of course!" Walang ligoy niyang sagot. "Sino ba naman ang hindi nangangarap na makaharap ang isang Hollywood star, 'di ba?"
Pumalatak ito. " Dapat lang pala talaga na pagselosan ko ang Tom Holland na 'yon. Magiging karibal ko pala siya."
Lalo siyang napangiti sa nakikitang pagseselos ni Daryl. Nakakaaliw panoorin. O tamang sabihin na nakakakilig. .
"Magkaiba naman kayo. Artista siya at malabong mapansin ako. Samantalang bes tfriend naman kita at nandito ka sa tabi ko," paliwanag ni Carol. " Kaya huwag mo na siyang pagselosan. Saka hindi ko naman siya crush, 'no? Nagu-guwapuhan lang talaga ako sa kaniya. At... very slight lang naman," dagdag paliwanag pa ni Carol na ikinangiti nito.
Kapagkuwan ay naging seryoso uli ang mukha ni Daryl.
"Alam ko naman na hindi mo crush si Tom Holland pero nagseselos pa rin ako. Siguro dahil gustong gusto talaga kita. Ikaw lang at wala ng iba pa..." Dinala ni Daryl ang kamay niya sa bibig nito at hinalikan ang likod ng palad niya.
Naramdaman ng dalaga ang pag-iinit ng kaniyang mukha.
Nag-uunahan na rin sa pagtibok ang kaniyang puso. Hindi iyon normal, alam niya Pero nagugustuhan na niya ang kiliting dulot ng mga matatamis na salita ni Daryl sa puso niya.
"K-kaya ka pumunta dito...dahil mahal mo rin ako, `di ba?" mayamaya ay untag sa kaniya ni Daryl.
Sandaling nanaig ang katahimikan nang hindi sumagot si Carol.
Ang totoo niyan, kaya siya nandoon sa mga oras na iyon ay dahil hindi niya kayang balewalain ang kakaibang nararamdaman niya para sa kaibigan. It was something new and strange.
Pero gustong-gusto niya ang ganoong pakiramdam.
Huminga siya nang malalim bago tumingin sa best friend niya.
"Ang totoo niyan, Daryl... Hindi pa malinaw sa'kin ang feelings ko para sa'yo. Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang t***k ng puso ko kapag kaharap kita. Siguro nga love din kita. Puwera na lang kung may iba pang feelings ang puwedeng mag-describe sa pakiramdam na espesyal sa puso mo ang isang tao."
Hindi niya alam kung bakit natulala si Daryl sa sinabi niya.
Hanggang sa naramdaman na lang niya na niyakap siya nito nang mahigpit at hinalikan ang mga labi niya.