Chapter 24

2521 Words

"I'm not doing this kung iniisip mong napatawad na kita. I'm doing this for my son. I want him at peace," wika ni Tito Marlon sa akin. Nakapasok ulit kami sa loob ng hospital kasama na si Gin. Pinauwi na ni Tito Marlon si Ate Zarina at siya naman ang papalit sa pagbabantay kay Zack para makapagpahinga naman daw ito sa kanila. Pag-alis ni Ate Zarina ay tinawag na kami ni Tito Marlon. "Saglit ka lang, ha. Susunod na rin rito ang asawa ko. Ayaw kong magkaroon ng gulo," paalala pa niya sa akin. Marahan akong tumango saka isinuot ko ang hospital gown at pumasok na sa loob ng ICU. Nanginginig pa ang kamay ko nang pihitin ko ang seradura pabukas. Awa ang namayani sa puso ko para kay Zack sa mga oras na ito. Pinipiga ang puso ko habang nakikita ko siyang nakahiga sa hospital bed at walang malay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD