----Third Person POV---- Sa loob ng isang silid kung saan tanging ang malumanay na liwanag na nagmumula sa mga sulo na nasa mga pader at ang liwanag mula sa buwang nakadungaw sa labas ng malaking bintanang salamin ang siyang nagsisilbing ilaw sa loob ng malawak na kwarto kung saan ay makikita ang dalawang nilalang Naitigil ng batang lalaki ang kanyang kamay na may hawak na pyesang pawn sa ere ng lumitaw sa harapan ng mesang kaharap niya na napapatungan ng isang board ang apat na sugatang mga nilalang "Our Lord" Nagsiluhudan ang mga ito sa kanyang harapan Inilapag ng batang lalaki ang hawak niyang pyesa sa board na nasa harapan niya bago nagsalita "Inaasahan kong dala niyo ang pinakukuha ko at hindi ang bumalik dito na ganyan ang lagay niyo" - sambit nito habang nakatingin sa mga pyes

