Assumptions

2637 Words
----Freya POV---- "Ahm, pwedeng magtanong?"  Lumingon saakin si Axel na nasa tabi ko Naglalakad lakad kami ngayon sa labas ng kaharian "Close talaga kayo ni Blair nuh?" - tanong ko at saka lumingon sa likuran namin kung nasaan nakasunod saamin si Blair "Yeah. Mas nagkakasundo kaming dalawa kaysa sa iba naming kapatid" sabagay sila lang naman dalawa ang buong magkapatid sa mga L'vierdon Napahinto ako sa paglalakad dahilan para huminto rin siya "May problema ba?" - rinig kong tanong niya Pero tila napako ang tingin ko sa malawak na hardin ng palasyo ng Parua na tanging mga mapupulang rosas lamang ang nakatanim Wala sa sariling naglakad ako papunta roon Matiim kong pinagmasdan ang mga mapupulang rosas habang naglalakad sa loob ng hardin Huminto ako sa paglalakad at saka itinaas ang nanginginig kong kamay upang hawakan ang isang rosas Kasabay ng isang patak ng luha ang alaalang pumasok sa aking isipan Sa gitna ng mga rosas niya ako unang kinagat Sa hardin ng Elesio At sa gitna rin ng mga mapupulang rosas siya naglaho sa mismong harapan ko Saksi ang mga rosas sa mga pangyayaring nagpabago sa buhay ko Saksi sila sa nangyari saamin ng aking prinsipe Sila lamang ang tanging saksi sa una at huli naming pagkikita ng aking prinsipe... ng prinsipe ng mga nyebe Napabitaw ako sa rosas na hinawakan ko ng biglang may humawak sa braso ko at saka ako pinaharap sakanya Nakatitig lamang ako sa kanyang mukha habang marahan niyang pinupunasan ang mga luha sa aking pisngi at mata "Please…" Nangunot ang aking noo ng magsalita siya "Please don't cry if I'm around" Napatitig ako sa kanyang tsokolateng mga mata at ang natural nitong mga matang walang ekspresyon, ngayon ay nababakasan ko ng sobrang kalungkutan at sakit "Because… its killing me" Awtomatikong gumalaw ang aking kamay at hinaplos ang kanyang pisngi Pinakatitigan ko ang kanyang mukha mula sa kanyang makakapal na kilay, mahahabang pilik mata, tsokolateng mga mata, matangos na ilong, magandang hubog ng mapupulang labi at perpektong hubog ng mukha Kung hindi ko ba siya nakalimutan Hindi kaya ako nasasaktan ngayon? napakurap kurap ako ng makitang gumalaw ang adams apple niya Napaangat ang aking tingin sa kanyang mga mata na nakatitig sa aking mga labi At doon ako biglang natauhan at mabilis na inalis ang aking kamay sa kanyang pisngi "Ahm, nasaan na pala si Blair?" - tanong ko at saka luminga linga sa paligid Sa di kalayuan lamang kung nasaan kami ni Axel ay nakita ko si Blair na nakatayo at hindi gumagalaw Pinakiramdaman ko ang paligid at doon ko lang napagtanto na hindi gumagalaw ang oras "Axel! Bakit mo pinahinto ang oras?" - baling ko sakanya Inilagay niya ang kanang kamay niya sa kanyang bulsa "Ayoko lang ng istorbo" - sagot niya "Istorbo? Ibalik mo na ang oras Axel" "You don't want to have time with me?" Nag iwas ako ng tingin sakanya ng makitang seryoso siyang nakatitig saakin "Marami pa tayong oras para makapagsarili" "Im not sure of that" Muli akong lumingon sakanya May kinuha siya sa loob ng kanyang damit na punyal at saka sinugatan ang kanyang kamay "You should drink now" Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at kinuha ang kanyang kamay at saka ininom ang dugong lumalabas sa kanyang kamay Napag usapan nila Kyran at Axel na kailangan niya akong painumin ng kanyang dugo tatlong beses sa isang araw para hindi ako makaramdam ng matinding pag kauhaw At mahigpit nila iyong bilin saakin Mas napapadalas na kasi ang pagkauhaw ko ngayon kaysa noong mga nakaraang araw Pero mariin ko ring sinabi kay Axel na hinding hindi ako kakagat sakanya, bagay na hindi naman na niya kinuwestiyon Marahan kong dinilaan ang kanyang sugat na mabilis rin namang naghilom "Salamat" "You don't need to say that. Its my responsibility to feed you with my blood" - sagot niya at saka ko lamang naramdaman ulit ang simoy ng hangin sa paligid "Damn! You used your power again Ax. Aren't you?" - Blair na nakasimangot ng nakatingin saamin "Mahal na prinsesa" Napalingon kami sa likuran ni Blair kung nasaan sila Miya at Zeyton "Hinahanap na po kayo sa loob" ----Xeon POV---- Isa isa kong tinitignan ang mga magkakapatid na L'vierdon na nakaupo sa harapan namin sa mahabang mesa "Saan niya na ba dinala si Frey?" - Kevin "Dapat ko na ba silang hanapin?" - Grey "Haixt! Pag itinakas niya lang talaga si Freya. Hinding hindi siya makakatakas sa mga baraha ko!" - Saxon "Ax is not that kind of vampire" - Froy at saka uminom sa hawak niyang kopita "Kung gusto niya siyang itakas. Matagal na sana niya ginawa" - Kai na inubos ilagay sa kanyang plato ang pagkain na nasa harapan niya "I agree" - Chase Napatingin ako sa hawak hawak niyang mansanas at mabilis na tumingin sa mga mansanas na nasa harapan ko na ngayon ay isa na lang ang tira Kukunin ko na sana iyon ng may maliit na kamay ang humawak doon at nasundan ko na lamang ang huling mansanas na nasa harapan ko at napanganga na lamang ako ng mabilis na kinagat ng batang Gregory ang aking huling mansanas  "Wahhhh! Damn you two!!! Not my apples!!!" Hahablutin ko na sana ang mansanas sa batang magnanakaw ng mabilis itong nawala sa kanyang upuan na katabi ko Hahabulin ko pa sana si Khali ng magsalita si Jair "They are finally here" Bumukas ang malaking pintuan ng hapag kainan at saka pumasok sila Freya kasama si Axel, Blair habang nasa likuran nila sila Miya at Zeyton Agad na sinalubong ni Sky si Freya na mabilis ding kinarga si Sky Pinagmasdan ko lamang na ipaghila ni Axel si Freya ng upuan bago sila magkatabing umupo I really hate this time prince Hindi sila nababagay ni Freya!! Freya is only for us... Just only for a Dragomir… She is only for Luan "Saan kayo galing?" Napalingon ako kay Kyran ng magsalita ito Kanina pa siya walang imik Sabagay, palagi nga naman pala siyang tahimik "Sa labas lamang ng palasyo" - Axel "Uminom kana ba ng dugo Freya?" - Priam "A-ahh oo na. Kanina lang" "Matanong ko pala" Napatingin ang mga magkakapatid na L'vierdon kay Adreana maliban kay Axel na ipinagkukuha ng pagkain si Freya Psh "Hindi ka ba nakakaramdam ng pagkauhaw? I mean, hindi ba dapat ay nakakaramdam ka rin ng pagkauhaw tulad ni Freya?" - Adreana habang nakatingin kay Axel Tama siya Napansin ko rin iyon dati pa I wonder How can he handle his thirst? "Yeah. Nakakaramdam rin siya ng pagkauhaw. Matagal na. Bago pa man ipanganak si Luan" - Gavin Nagsilingunan naman kami bigla kay Saxon ng bigla itong napatayo at malakas na inihampas ang kanyang dalawang palad sa mesa "Wag mong sabihing umiinom ka kay Freya?! Sabihin niyo! Are you biting each other?!" "No!" - mabilis na sagot ni Freya "So how can he endure his thirst on your blood?" - Ashton "Mga dugo naming magkakapatid" - Jair "Dugo niyong magkakapatid?" - Leila "Pinagiisa namin ang mga dugo naming magkakapatid sa tuwing nakakaramdam ng uhaw si Axel, at iyon ang ipinapa inom namin sakanya. Sapat na iyon upang hindi siya pumatay para lamang mabuhay" - Ali Posible pala iyon? Kung ganun. Maaari din palang ginawa namin iyon kay Luan noon "Hindi kayang tumbasan lamang ng kakaunting dugo niyo ang kanyang pagkauhaw" - Yael "Siguro hindi nga.. kung sa iba.. pero saaming magkakapatid. It is possible. Look at him. He's still alive" - Kai Napalingon ako kay Axel na blanko lamang ang mukha habang kumakain "I think you are underestimating us" - Chase "We are L'vierdon. Don't forget that" - Blair Anong ibig niyang sabihin doon? Parang ang hangin lang. Tss Is he wants to say that they are powerful than us?! Pero… Pero alam kong kakaiba talaga ang labing tatlong prinsipe ng Acheron Ano nga ba talagang kaya nilang gawin? ----Kyran POV---- "Young lord, naipaabot ko na po ang mensahe" Iminulat ko ang aking mata at saka tinignan ang inaamoy kong pulang rosas "Mabuti kung ganun" Kung buhay pa nga siya Kailangang mahanap namin siya bago pa man mag umpisa ang laro "Kyran" Hindi na ako nag abala pang lumingon dahil alam ko na kung sino ang nagsalita "Tama lang bang ilihim natin ang nalaman natin sa pagpupulong?" - Priam "Hindi pa tayo nakatitiyak. Mas mabuti ng wag muna nilang malaman" Mas mainam na wala silang alam. Lalo na si Freya. Baka umasa lang siya. Hindi pa kami nakakasiguro "Pero. Kung buhay si Pride… …Buhay rin si Luan" Tumalikod ako at saka hinarap siya at saka siya tinitigan sa mata "Alam kong umaasa ka dahil sa kagustuhan mong mabuhay si Eliza" "Hindi na ko magugulat kung nakita mo sa mga mata ko ang pagkausap ko sa isa sa mga prinsipe ng L'vierdon. Pero maliban roon. Gusto ko talagang makitang buhay siya. Kapatid ko siya at natural iyon sa ating mga Dragomir" Muli akong tumalikod sakanya at saka tumingin sa maaliwalas na kalangitan Alam kong hindi siya maaaring mamatay ng ganun ganon na lang Lalo na sa mga nangyayari ngayon Mas lalong lumakas ang pakiramdam kong buhay pa siya Kailangan naming tapusin ito Tapusing laruin ang larong ginawa niya Ginawa ng isang nilalang na hindi ko akalaing buhay pa... matapos ng maraming dekada Pero sa ngayong hindi pa namin siya nahahanap Ako lang muna ang maaaring gumalaw "Young lord, narito na sila" ----Chase POV---- Itinigil ko ang pagpapatugtog ko sa aking plauta ng makaramdam ako ng kakaibang enerhiya Tumingin ako sa labas ng palasyo mula sa kinauupuan ko sa may itaas ng balustre at doon ko nakita ang tatlong malalaking nilalang na nasa himpapawid Mabilis akong tumalon pababa at mabilis na lumabas ng palasyo kung nasaan rin sila Kai "Sino sila?" - tanong ko ng makalapit ako "Hindi ko pa tiyak" - Froy Pinagmasdan naming bumaba sa lupa ang tatlong nilalang na kung saan ay may sakay ito sa kanilang likuran Isang Dragon kung saan bumaba ang isang lalaking may kulay pula at itim na buhok Isang kabayong may pakpak na sakay ang isang lalaking may asul na buhok At Isang parang uso na nakakalipad kung saan bumaba naman ang isang babaeng may puting mahabang buhok Teka pamilyar sila saakin Ahh oo nagpunta na rin sila rito kahapon sa pagpupulong "The three crowns of Light Empire" - Ali Three crowns? Pinakatitigan ko silang tatlo na nasa harapan na ngayon nila Kyran na hindi lang kalayuan saamin Pinasingkit ko ang aking mga mata habang nakatingin sa babaeng may puting buhok At doon ko napansin ang markang nasa kanyang noo Kung ganun sila nga Kahapon ko lamang sila nakita at ngayon ko lang nalaman na sila pala ang sinasabi noon saamin ng aming mga maestro Napaiwas ako ng tingin ng mapansin kong nakatingin na saakin ang babaeng may puting buhok "Ano naman kaya ang dahilan at bakit sila narito?" - Jair "Wala ka man lang bang naririnig na usapan nila Kyran, Jair?" - Froy "Hindi ko kaya. May spell na humaharang palibot sa ikapitong prinsipe" - Sagot ni Jair Nilingon ko si Kyran na nakatingin lamang ng blanko sa lalaking crown na may asul na buhok Napakamisteryoso niya talaga Para siyang si Ax Hindi ko mabasa ang bawat galaw nila Tumalikod na ako at saka naglakad paalis "Saan ka pupunta Chase?" - Gavin "Gusto kong mapag isa" Kailangan kong makausap si Xander Ng makarating ako sa gubat sa labas ng palasyo ay agad akong naghanap ng puno at saka doon umakyat at umupo sa isa sa mga sanga niyon Kinuha ko ang aking plauta at saka nag umpisang tumugtog Matapos ang ilang minuto ay saka ako huminto Sana ay makarating kaagad sakanya Kailangan niyang makapunta rito Hindi ako maaaring magkamali Ang babaeng un Ang isa sa mga crown Siya ang mate ni Xander ----Zephyr POV---- "Bakit mo kami biglaan pinapunta rito?" Lumingon siya sakin "Naisip kong dapat ay nasa malapit lamang kayo" "Haha, gusto mong mapalapit saamin? Hindi iyon magiging mahirap. Magiging malapit naman na talaga tayo lalo na ngayon" - nakangising sagot ni Crayon Is he referring about him and Adreana? "Un lang ba ang dahilan mo kung bakit mo kami pinapunta rito?" - Kora "Oo un lang" Ano ba ang iniisip ng bampirang ito? Alam kong may mas malaki siyang dahilan maliban ito "Wala na ba tayong pag uusapan pa? At ng makaalis na ako" - Crayon "Wag kang magmadali Crayon. Tulad ng sabi ni Kyran ay dito muna tayo sa palasyo ng Parua" - Kora Bigla kaming napalingon sa may pintuan ng bigla iyong bumukas "Kora?!" sabay sabay kaming napalingon ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang bampira Teka… natatandaan ko ang mukha niya Isa siya sa labing tatlong L'vierdon na pumunta sa huling araw ng pagpipili noon ni Freya Pero anong ginagawa niya rito? Mabilis kong ipinitik ang aking daliri ng bigla na lamang itong tumakbo papunta sa pwesto ni Kora Napahinto siya sa pagtakbo ng harangan siya ng isang harang na gawa sa aking apoy "s**t!" Lumingon siya sa gawi ko "Let me pass!" "What are you doing here?" Ang alam ko isang pribadong pagpupulong lamang ito sa pagitan naming tatlong crown at ni Kyran at Priam "Haixt! Just let me pass!" Lulusong na sana siya sa apoy na ginawa ko ng palibutan ng tubig na mula kay Crayon ay kanyang katawan sanhi para hindi siya makagalaw "Bakit ba ang hilig niyong mga L'vierdon na manggulo?" - Crayon Tatayo na sana ako ng nagulat na lamang ako ng biglang masynog ang mahabang mesa na nasa harapan namin dahil sa isang laser dahilan para mawalan kami ng konsentrasyon ni Crayon "Psh thanks" - sambit ng L'vierdon na ngayon ay nakawala na sa tubig ni Crayon Napalingon naman kami sa may pintuan kung saan nakatayo ang dalawa pang bampira Ang isa sa kanila ay namumula ang mga mata "Matt! Cover me!" Agad namang namula ang mata ng katabi ng bampirang nasa pintuan habang nakatingin sa pangahas na bampirang basta na lamang pumasok sa silid Bumwelo ito at saka tumakbo papunta sa ginawa kong apoy na harang at nagulat ako ng makitang nakatawid ito ng wapa man lamang paso sa katawan Muli kong ibinaling ang aking paningin sa dalawang bampirang nasa pintuan They are also L'vierdon "A-anong kailangan mo?" - Kora Nasa harapan niya na ang isa sa mga L'vierdon "You know what I need" - sambit nito habang namumula ang mga mata na nakatingin kay Kora Kikilos na sana kami ni Crayon ng magsalita si Kyran na kanina pa tahimik na nakaupo lang sa upuan niya "Bakit kayo napasugod?" "Ahh sinamahan lang namun ang aming kapatid na makita ang mate niya" Mate niya? Sabay kaming napalingon ni Crayon kay Kora at sa L'vierdon na ngayon ay magkatitigan lang So this L'vierdon is mated with the crown of air element ----Reed POV---- "Ano ba talagang ginagawa mo dito Xander?" - Froy "Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Chase" Nagsilingunan kami kay Chase na nasa kama niya habang nakahiga "Sinasabi ko na nga ba. Ipapaalam mo kaagad iyon kay Xander" - Gavin "Oh kamusta ang naging pag uusap niyo?" - Ali "Sinabi ko sakanyang hindi na ako aalis sa tabi niya" - determinadong sagot ni Xander Yan ba talaga ang epekto ng pagkakaroon ng mate? Pero bakit si Ax? Hinahayaan niya lang na mawala sakanya si Freya? Nagsitahimik sila ng pumasok sa kwarto si Ax "Anong kaguluhan ang ginawa niyo?" "Hindi naman namin un gagawin kung hindi sila unang nangialam" - sagot ko "Alam ba ni Declan na pumunta kayo rito?" "Yeah. In fact pinagtabuyan pa kami ni kamahalan paalis ng palasyo" - Matthew "Kamusta na pala kayo ni Freya, Ax? - Xander "We're fine" - sagot niya at saka lumabas ng kwarto I wonder how he can endure it Na makasama ang babaeng hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang nakakaahon sa nakalipas nitong pag ibig
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD