Sand Prince - The 9th Prince Of L'vierdon

2821 Words
----Freya POV---- Nakaupo kami ngayon sa isang putol na kahoy na kinuha kanina nila Dion Magkakaharap kami ngayon nila Zane sa apoy na ginawa kanina ni Priam Medyo madilim na sa paligid dahil maggagabi na Nakatingin lang ako sa iniihaw na isda nila Ashton sa apoy na nasa gitna namin Nakasandal lang naman sila Kyran at Axel sa may puno malapit saamin maging ang ibang prinsipe ng mga Acheron Napalingon ako sa mga isa sa mga tent na itinayo kanina nila Ali Lumabas doon si Grey kasama si Rue Umalis naman sa pagkakaupo niya si Rosh at sinalubong sila Grey Nakita ko ang pagtango ni Grey kay Rosh bago pumasok sa tent at lumapit naman saamin sila Grey "May malay na ba siya?" - tanong ko "Wala pa" - sagot niya "Paano pa lang nawalay sainyo ang kapatid mo?" - Miya "Nilusob kami noon ng mga rogue. At kinuha nila siya. Labing limang taong gulang palang siya noon. Pinahanap namin siya ni ama. Lahat ng Alpha at Pack ay tumulong saamin. Pero walang nakakaalam sa teritoryo nila Flavius. Siya ang kalaban noon ni ama sa posisyon ng pagiging Alpha. Pero wala siyang nagawa dahil si ama ang may dugo ng pagiging Alpha King" Hindi lang pala ang mga bampira ang nag aagawan sa pinakamataas na pwesto maging ang mga lobo "I will hunt him down" Nagrereflect ang apoy sa kaniyang mga mata at kitang kita ang galit doon Naalala ko ang katayuan ng kaptid niya kanina Siguro ay inaalipin siya doon at talagang pinapahirapan "Sabihin mo lang kung anong maitutulong namin" Napalingon kami sa gawi ni Priam "Hindi problema ng mga bampira ang problema naming mga lobo" - Grey "Hindi rin problema ng mga lobo ang problema ng mga bampira. Ilang beses na kayobg tumulong saamin" - Kyran "Dahil iyon kay Freya" - Grey at saka tumingin saakin bago muling tumingin kayla Priam "Handa kaming tumulong. Isa pa mukhang tuluyan na talagang magiging isa ang mga bampira at lobo. Sigurado akong gagawing pormal iyon ni Luan sa oras na bumalik siya lalo na kapag nalaman niyang mate ni Rosh ang kapatid mo" - Priam "Nice! A vampire king's brother is mated with the Alpha king's sister!" - Zane at saka pumalakpak na sinabayan naman nila Miya at Astrid "Psh sa tingin niyo magiging madali lang iyon sa magkabilang lahi?" sabay sabay kaming napalingon sa bagong dating na si Saxon "Immortal na magkalaban pa rin ang lahi ng bampira at lobo simula pa lang sa umpisa. Kung kayo ay tanggap niyo. Paano ang mga maliliit na mamayan?" "Ano na naman bang problema mo Saxon?" - Kevin "Kayo ang may mga problema! Namomroblema kayo dahil sa walang kwentang mate na iyan!" Tumingin siya saakin "Tignan mo si Freya. Ngayon nasaan ang mate niya? Wala! Iniwan siya ni Luan!" Iniwan? Masakit man pakinggan pero iyon naman talaga ang tamang salita roon Literal na iniwan niya nga ako "What the f**k is your problem 3rd prince!!" - Yael "Bakit?! Ikaw ba hindi ka man lang ba nagalit o nainis kay Tamara dahil maging ikaw ay iniwan ka rin niya!" Mabilis na nakalapit si Yael kay Saxon at malakas na sinuntok ito Naalerto kami at nilapitan namin sila upang paghiwalayin "Kung may problema ka sa mate mo dahil sa hindi mo siya mahanap hanggang ngayon o dahil sa ayaw niya talagang magpahanap sayo! Wag mo kaming idamay sa problema mo! Hindi lahat ng iniiwan ng mate ay katulad mo mag isip!" - Yael "Balang araw kapag hindi mo na rin siya mahanap maiisip mo na rin ang naiisip ko ngayon" Marahas na itinulak ni Saxon sila Zeyton at Kevin na hawak hawak siya "Walang ibang hatid ang mate na iyan kundi ang gaguhin ka hanggang sa tuluyan ka ng hindi makaalis sa dilim kung saan ka niya iniwan mag isa" - sambit niya bago mabilis na nawala sa aming paningin "Ano bang problema ng baliw ng prinsipe ng mga Irondale?" Napalingom ako kay Ali ng mag salita ito Tahimik lang na nakatingin sa amin ang magkakapatid Si Chase nakaupo sa isa sa mga sanga ng punong kahoy Samantalang nakasandal lang sa puno si Axel habang naka ekis ang dalawa nitong kamay sa kanyang dibdib at diretsong nakatingin saakin kaya't ibinaling ko na lamang ang tingin ko kay Yael ng ito ang sumagot sa tanong ni Ali "Tinataguan siya ng mate niya!" "Maybe she knows that he is crazy" - Jair "Hindi" Tumingin sila saakin "Malakas ang kutob kong hindi siya tinataguan o tinatakbuhan ng mate niya" Alam kong hindi iyon katulad ng iniisip ngayon ni Saxon Pero ang eksaktong sagot kung bakit hindi pa rin niya ito makita ay hindi ko alam ----Rosh POV---- Maingat kong inalis ang ilang hibla ng kaniyang buhok na nasa kanyang maamong mukha Sa tulong ng liwanag na mula sa sulo na nasa gilid nitong tent ay kita ko ang kagandahang kanyang taglay Mayroon siyang kulay kayumangging buhok na medyo paalon alon ang dulo na lampas dibdib niya She has a pinkish lips and pinkish cheeks I wonder how beautiful pair of orbs she has Kanina ng nasa anyo siyang lobo ay siya na ata ang pinakamagandang lobo na nakita ko. She has a very beautiful white wolf. White as snow Naalala ko ng yakapin ko siya kanina Ng maglapat ang aming balat kanina ay may kakaibang kuryente ang dumaloy sa aking sistema na noon ko lang naramdaman At sa mga oras na nasa mga braso ko siya ay ipinangako kong hindi ko na siya pakakawalan at wala ng sinuman ang makakapagpanakit sakanya Natigil ako sa pagtitig sakanya ng makitang gumalaw siya Unti unti niyang iminulat ang kanyang mga mata at kaagad na nagtama ang aming paningin Kulay kayumanggi ang nasa gitna ng kanyang mata with the shade of green around her iris Mukhang kaagad na tumama ang iniisip ko kanina lang She has a very beautiful eyes. Well everything on her is beautiful and perfect Inalalayan ko siya ng bigla siyang umupo mula sa pagkakahiga "S-sino ka?" Hindi ko siya kaagad nasagot ng matulala ako sa ganda ng kanyang boses "S-sino ka?" - pag uulit niya "Ako si Rosh" "B-bampira" - sambit niya at nanginginig na lumayo siya saakin at nagsumiksik sa gilid ng kanyang hinihigaan Nasaktan ako sa ginawa niyang paglayo saakin pero naisip kong ganito lang siya dahil nga sa magkaaway ang mga bampira at lobo "Wag kang matakot. Hindi kita sasaktan" Hinding hindi ko iyon magagawa "P-pero bampira ka!" Lalapitan ko sana siya ng biglang may pumasok "Bliss!" Lumingon siya sa likuran ko at mabilis siyang tumayo at niyakap si Grey "K-kuya" Shit I hate her sobs. Ayokong marinig siyang umiiyak "Bliss. Ayos ka na ba?" - Grey Tumango naman ito bago pumunta sa likuran ni Grey "K-kuya. M-may bampira dito. Kuya he-he's my mate" "Don't worry princess. He's my friend. He won't hurt you" - sambit ni Grey habang nakatingin saakin Nginitian ko naman siya Mukhang nakuha ko na ang panig ng kanyang kapatid Sinensyasan niya ako na lumapit na siya namang ginawa ko Unti unti naman siyang pumunta sa harapan ni Grey kaharap ko Kinuha ko ang kanyang nanginginig na kamay "Prince Rosh Ellesmere Dragomir. 5th prince of Parua" At saka ko hinalikan ang likuran ng kanyang kamay Kita ko ang pagkabigpa niya sa sinabi ko dahil namilog ang kanyang mga mata "I-isa kang Dragomir?" - Tanong niya Nakangiting tinanguan ko siya Naramdaman ko naman na hindi na nanginginig ang kanyang kamay na hawak hawak ko pa hanggang ngayon at parang ayoko na itong bitawan "Bliss. Bliss ang pangalan ko" Pakilala niya at saka ngumiti saakin At iyon na ata ang pinakamagandang ngiti na nakita ko sa buong buhay ko ----Freya POV---- Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng kakaibang lamig sa loob ng tent na hinihigaan namin Katabi ko sila Astrid, Miya at Zane Nagpasya akong lumabas. Maingat akong tumayo at saka lumabas ng tent namin Bilog na bilog ang buwan kaya't maliwanag sa paligid Naglakad lakad ako pero hindi naman gaanong malayo sa tent namin Gusto ko lang makapag isip isip Ng mga nakaraang araw kasi kakaiba ang mga nararamdaman ko at hindi ko na maintindihan ang ngyayari saakin Hinawakan ko ang kwintas na bigay saakin ni Luan Luan. Naguguluhan na ako. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Bakit ko ba iyon nararamdaman? Ang pakiramdam na saiyo ko lang nararamdaman. Bakit ko iyon nararamdaman sakanya? Tumalikod na ako upang sana bumalik na ng nagulat ako bigla ng makitang nasa likuran ko si Axel na ilang metro lang ang layo saakin "A-anong ginagawa mo dito sa labas?" - tanong ko "Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Anong ginagawa mo dito sa labas ng ganitong oras?" - blanko lamang ang kaniyang mukha habang nakatingin saakin at nakapamulsa "Nagpapahangin" "Nagpapahangin?" - ulit niya sa sagot ko "Matagal na bang wala sa palasyo niyo ang kapatid mo?" - tanong ko "Matagal na" "Simula pa kailan?" "Simula noong pormal kang ipinakilala ni Luan sa buong Dark Empire. Simula ng gabing ginawa ka niyang bampira sa harapan ng lahat" Biglang sumagi sa aking isipan ang ngyari noong gabing iyon Ang gabing una kong naramdaman ang kanyang kapangyarihan Alam kong siya iyon. Alam kong tumigil ang oras noon at alam kong siya lang ang may kakayahang gawin iyon Gusto ko mang kumpirmahin iyon sakanya ay hindi ko na ginawa ng maalalang nagkaroon ako noon ng sugat at hindi ko na gustong marinig kong kagagawan niya iyon "Mahahanap naman na natin ang kapatid mo hindi ba?" Hindi siya sumagot. Nakatitig lamang siya saakin na nakapagpailang saakin Inalis niya sa bulsa ng kanyang pants ang kanang kamay niya at saka nag umpisang maglakad palapit saakin Hahakbang sana ako paatras ng maisip kong bakit naman ako hahakbang paatras? Nakita kong pumula ang kanyang mga mata Napatingin ako sa paligid at nalaman na pinatigil niya pala ang oras Wala naman siguro siyang gagawing masama Hindi ko alam pero pakiramdam ko ligtas ako sakanya Ng nasa harapan ko na siya ay saka siya tumigil "Bakit? Ganun mo na ba kagustong matapos na ito?" - tanong niya "O-oo naman! D-dahil gusto ko ng mahanap at makita si Luan" "Yun nga lang ba talaga?" Nangunot ang noo ko sa tinanong niya. Ano pa ba ang gusto niyang ibigay kong dahilan? Mas lumapit siya saakin. At ngayon ay halos magkalapat na ang aming mga katawan kaya agad akong umatras pero nabigla ako ng pigilan ng kanan niyang kamay ang aking likuran at saka hinapit palapit sakanya Naitukod ko ang aking dalawang palad sa kanyang matigas na dibdib habang nakapulupot ang kanyang kanang kamay sa aking bewang Inilapit niya ang kanyang mukha sa kaliwa kong tenga sa saka bumulong "O gusto mo ng matapos ito dahil naguguluhan kana" Nakagat ko ang ibabang labi ko ng makaramdam ako ng kiliti dahil sa mainit niyang hininga na tumama sa aking tenga ng magsalita siya bahagya siyang umayos ng tayo at tinitigan ako Napatingin siya sa aking labi na hanggang ngayon ay kagat kagat ko pa rin Mabilis ko iyong pinakawalan At nakita ko ang pag angat ng sulok ng kaniyang labi dahilan upang lumitaw ang kanyang dimples "A-ano bang pinagsasabi mo? Naguguluhan sa ano?" "Naguhuluhan saan nga ba?" - balik niyang tanong saakin Bakit ang hilig niyang magbalik ng tanong? "If you are confused. Then let me give you a clue" Yumuko siya at naramdaman ko na lang ang mainit niyang hininga sa aking balat sa aking balikat Hindi ko magawang igalaw ang aking katawan Parang gustong gusto ng aking katawan ang pagiging malapit ng katawan niya saakin Napakakumportable ng katawan ko sakanya na kinaiinis ko Naramdaman ko ang paggapang ng hininga niya papunta sa aking leeg At napalunok ako ng maramdaman ang matulis na bagay sa aking balat Shit! Mabilis ko siyang itinulak palayo saakin Namumula ang kaniyang mga mata habang nakalabas ang kaniyang pangil Unti unti ng bumalik ang kulay tsokolate niyang mata at nawala na rin ang kanyang pangil kasabay ng pagbalik ng takbo ng oras "Pumasok kana. Delikado dito sa labas" Tumalikod na siya saakin at saka naglakad paalis Napahawak ako sa aking dibdib na parang gusto ng kumawala ng puso ko sa aking dibdib sa lakas ng t***k nito Ano ba talaga itong nararamdaman ko?! At bakit parang pamilyar ang kanyang pangil sa aking katawan??? ~~ "Malapit na rin naman dito ang Terra Nova. Mas makabubuting bumalik muna kayo sa Black Moon Shadow Pack. Kailangan niya pang magpahinga" - Priam tumingin saakin si Grey na nginitian ko naman "Wag kang mag alala Grey. Madali na ring matapos ito at babalik kami kaagad sa Parua" - sambit ko Lumapit naman saakin si Bliss "Napakaganda mo talaga. Sayang may mate ka na pala" - sabi niya bago ako niyakap na agad ko namang sinuklian Kumalas na siy sa pagkakayakap ng mag anyong lobo na si Grey at Rue Lumapit naman siya kay Grey at saka sumakay sa likuran nito "Mag iingat kayo" - Rosh "Mag iingat rin kayo. Balitaan ka na lang namin kapag alam na namin kung nasaan si Luan" - Priam Sasama kila Grey si Rosh. Kailangan siya ng mate niya. At magpapakilala na rin siya sa buong pack nila Grey Natutuwa ako at nakita na ni Rosh ang mate niya At sana mangyari rin ito kay Saxon Napalingon ako sa pwesto ni Saxon na nakapikit lang habang nakasandal sa puno "Alis na kami" - Rosh Agad na tumakbo sila Grey at Rue at saka mabilis na sumunod si Rosh gamit ang vampire speed niya "Umalis na tayo" Napatingin ako kay Axel ng magsalita siya pero agad naman akong bumawi ng tingin ng maalala ko bigla ang ngyari kagabi kaya't pinagpasyahan kong umiwas sa kanya at iwasan rin na mapatingin sakanya Nagpatuloy na kami sa aming paglalakad "Sigurado ba kayong tama ang tinatahak natin?" - Saxon "Alam ni Gav kung nasaan siya" - Kai "Nasa dulong lupain na tayo na sakop ng Valhalla. Malapit na ito sa Parua" - Kyran "Andito na tayo" - Gav Nasa may labasan na kami ng gubat at sumalubong saamin ang sinasabing lugar kung nasaan ang naglayas na kapatid ng mga L'vierdon "Sigurado kayong naandito siya?" - Miya "Ano namang ginagawa ng kapatid niyo sa lugar na ito?" - Zeyton "Mahilig siya sa ganitong lugar" - Axel "Mahilig siya sa desyerto?!" - sabay na tanong nila Zane at Astrid Ang nasa harapan namin ngayon ay isang napakalawak na desyerto "Ano namang trip ng kapatid niyong yan?" - Ashton "Mabuti pang tumuloy na tayo ng mahanap na natin yang naglayas niyong kapatid" - Yael Nagpatuloy kami sa paglalakad Hindi mainit dito katulad ng desyerto sa mundo ng mga tao Tulad nga ng sinabi ko noon iba ang temperatura dito sa temperaturang meron sa mundo ng mga mortal Ramdam na ramdam ng aking paa ang mga buhangin habang naglalakad kami Ng nasa kalagitnaan na kami ay huminto sila Axel at saka inilibot ang paningin nila sa paligid maging nila Priam at Kyran "Mga kalaban" - Jair Napatingin ako sa tinitignan niya at nakita ko ang mga parating na mga bampira Mabilis itong nakalapit at pumalibot ito saamin "Mga kampon na naman ni Alsimere!" - Saxon "Anong kailangan niyo?" - Priam "Ang ikatlong prinsipe ng Sirona at ang babae ng propesiya" - sabi ng isang bampira "What made you think that you can get her?" - Axel "Utos iyon ni pinuno" "The f**k I care kung utos iyon ng ambisyoso niyong pinuno!" - Saxon Nagsipuluhan naman ang mga mata ng mga alagad ni Alsimere Lahat kami ay naging alerto dahil di biro ang dami nila na triple ata sa dami namin. Hindi pala triple. 5x ang dami nila saamin Pero ang nakakapagtaka ay parang hindi nababahala ang magkakapatid na L'vierdon na prenteng nakatayo lamang habang tumitingin tingin sa paligid "Patayin sila! Maliban sa prinsipe at sa babae ng propesiya!" pagkasabi noon ng isang bampira ay agad silang lumusob Ng malapit na sila saamin ay bigla nalang nagsitaasan ang mga buhangin "Ahhhhhhhhh!!!!" Nagsisigaw ang mga bampira ng mabilis na umakyat ito sa kanilang ulo hanggang sa nilamon na sila ng buhangin Nilamon sila nito ng buhay at wala ni isang bakas ang natira sa kanila "What the!" - Saxon "Waah!! Umalis na tayo dito lalamunin rin tayo ng buhangin dito!" - nagpapanic na sigaw ni Zane Pero natigilan siya ng makita namin na may namumuong buhangin malapit sa kinatatayuan namin Napatitig kami roon hanggang sa naging anyong tao ang buhangin at unti unting bumaba ang mga ito at isang lalaki ang tumambad sa aming harapan Ramdam ko ang presenya ng pagiging bampira niya Isang makisig na bampira Naglakad ito palapit saamin Palapit saakin Tumigil ito sa aking harapan Mas matangkad siya saakin. Pero mas mataas sakanya sila Axel He has a blonde hair and an amber eyes that is now looking at me Yumuko siya bahagya at kinuha ang aking kaliwang kamay "9th Prince of Acheron, Prince Blair Dior L'vierdon" Pakilala niya at saka hinalikan ang likuran ng aking kamay "Nice to hold your hand again. Eya"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD