LIEZEL DELA CRUZ "Halika na ihahatid na kita," nagulat na lang ako ng bigla akong alukin ni Gov na sumakay sa kotse niya. "Naku Gov, hindi na po, nakakahiya naman po. Mag aabang na lang po ako dito ng Jeep." Nahihiya kong sagot. "I insist, Liezel right, sumakay ka na at ihahatid na kita. Gabi na baka kung ano pa ang mangyari sayo sa pag-uwi mo." hindi ko alam kung sasakay ba ako o tatakbo. Hindi ako komportable na sumabay sa kanya lalo na at may asawa na siya. "Gov, pasensya na po, may pupuntahan pa po kasi ako. Salamat po sa pag aalok sa akin pero may lakad pa po ako." pagtangi ko sa kanya. Saktong may dumaan na jeep kaya agad na akong sumakay. Hindi ko gusto na lagi siyang nakatingin sa akin kapag nakikita niya ako at lalong hindi ko gusto ang idea na makikita ako ng tao na sumasaba

