LIEZEL DELA CRUZ Habang nag uusap kami ni Josh, ay naaalala ko ang kambal. Gustong-gusto ko ng sabihin sa kanya ang tungkol sa mga anak ko. Pero paano? Natatakot ako na baka sumbatan niya ako. "Liezel, naintindihan kita, kung hindi mo pa kayang magtiwala sa akin. Alam ko naman na mahirap ang pinag daanan mo. Pero sana hayaan mo akong muli kang ligawan at kaya kong maghintay hanggang sa maging handa ka na." Sabi niya sa akin. Napatingin ako kay Josh matapos kong marinig ang sinabi niya. Tahimik lang akong nakatayo, pero sa loob ko, parang ang daming gustong kumawala mga tanong, galit, takot… at higit sa lahat, yung pagmamahal na pilit kong tinatago. “Maghihintay ka?” tanong ko, halos hindi makapaniwala. Ngumiti siya ng bahagya, pero ramdam ko ang sincerity sa mga mata niya. “Oo. Kahi

