JOSHUA BENITEZ Araw-araw nararamdaman ko ang maingat na pag aalaga sa akin ng babaeng kasama ko. Naramdaman kong pinupunasan niya ako at may kung anong malamig na bagay ang lumapat sa baba ko at parang may natatanggal na kung ano mula roon. Naramdaman ko rin ang maingat na pagbuhat nila sa akin at pinaupo ako sa isang malambot na upuan. Saka niya ito itinulak, sumalubong sa akin ang isang malamig na hangin na nakapagpapagaan ng aking pakiramdam. Madalas tuwing umaga ay dinadala niya ako dito, kaya alam kong gumaganda ang pakiramdam ko. Muli kong naramdaman ang isang pamilyar na haplos, kinuha niya ang kamay ko at marahan itong pinisil. Dahil sa kanyang ginagawa ay unti- unti kong nararamdaman na bumabalik na ang pakiramdam ko. Sinubukan ko pagalawin ang kamay ko at hindi ako n

