JOSHUA BENITEZ “Talaga bang hindi pwede? Babe naman, kakamayin ko ba na naman ito.” Nanghihinang sabi ko, nakadapa ako sa dibdib niya at ramdam ko ang pag uga ng balikat niya dahil sa pagtawa. “Mahal, pwede bang wag natin dito gawin yan, kasama kasi natin ang mga kaibigan ko nakakahiya pag nakita nila akong iika-ika.” Sabi niya sa akin. “I do understand, makakapaghintay pa naman ako. Make sure na sa isang araw makalipat ka na sa penthouse para doon na ako uuwi sa'yo. Gusto mo ba na samahan kita mag-transfer sa university na lilipatan mo?” Umayos ako ng higa sa tabi niya at pinahiga ko siya sa aking braso saka ako yumakap sa kanya. Masasabi na okay na kami ngayon; nagiging komportable na sa akin si Liezel. Ramdam ko na ginagawa rin naman niya ang part niya para mapalapit sa akin. Hindi

