JOSHUA BENITEZ Galit na galit akong iniwan si Carla sa living matapos namin magkaroon ng matinding pagtatalo. Hindi ko alam na all of a sudden biglang magiging ganun ang ugali niya. Pumasok ako sa aking silid at hinubad ko ang aking suot ng long sleeve. Pumasok ako sa banyo, binuksan ko sang shower at pilit kong pinakalma ang arili ko. Nakakatulong ang maligamgam na tubig para kahit paano ay marelax ako. Medyo gumaan ang pakiramdam ko, hindi rin naman ako nagtagal at lumabas na ako sa aking silid. Pagkatapos kong mag bihis ay lumabas ako ng aking silid at pumunta sa kusina. "Sir, ipaghahain ko na po ba kayo?" tanong ng aming kasambahay. "Busog pa ako, Manang. Pakikuha nga po ako ng alak sa bar counter at pakidala po sa silid ko." utos ko. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay bumalik n

