JOSHUA BENITEZ Nandito na kami ngayon ni Dan sa Farm ko, nakaupo sa bermuda grass at may bonfire sa harap namin; habang may hawak na beer. Inaya ko siyang mag inom para kahit papaano ay marelax naman kami. Maluwag at maaliwas ang Farm ko, madalas dito ako napunta kapag gusto ko mapag isa. "Gov, what if kung hindi makipaghiwalay sayo si Carla?" tanong ni Dan, kasabay ng pag tungga niya ng beer na hawak niya. "Hiwalayan niya ako o hindi, I don't care. Wala naman akong pakialam sa kanya. I will still pursue Liezel; I like her, I really do." ani ko kay Dan. "Ano pa lang plano mo bukas, birthday muna. Wal ka bang bonggang party ngayon?" tanong ni Dan. Tumayo ako at nag lakad saka bumuntong hininga. "Wala naman akong plano bukas, I want to celebrate it on my own. I'm going to tagaytay tomor

