"Gov, pwede ka na talagang mag asawa. Ngayon lang ako nakatikim ng luto mo." Sabi naman ni Aira. "Parang nakalimutan ko nga ang pangalan ko sa sarap eh." Muli niyang sabi. Nagkatawanan na naman kami. Parang ang sarap sa pakiramdam kapag ganito lang. Walang problema at wala away. Masaya ako na anapatawad na ako ni Liezel hindi man lubusan pero at least binuksan niya na ang puso niya ulit para sa akin. "Zel, naka 1 point na si Gov sa puso mo? " tanong naman ni Yham. "Oo naman, konti na lang sasagutin ko na siya." masaya namang sabi ni Liezel. Bigla akong napa tayo at lumapit sa kanya. "Thank you babe, pwede na ba kita tawaging babe?" Sabi ko sabay halik sa pisngi niya akaya nagsigawan na naman ang mga kasamahan namin dito. "Lizel, pakihawi nga yang buhok no, natatapakan namin ni

