JOUSHUA BENITEZ Ang plano ko sanang pagbili kay Liezel ngmga gamit niya sa mall ay hindi na namin nagawa dahil sa isang babae na nakakilala sa kanya. Ang masakit napagkamalan pa akong Papa niya. Ganu na ba talaga ako katanda para maging Papa niya? "Babe, mukha na ba talaga akong Papa mo?" wala sa loob ko na naitanong ko kay Liezel. Nakita ko pa siyang nagpipigil ng kanyang tawa. "Gov, hindi naman po masyado," Ani niya sabay tawa. Nalungkot ako sa sagot niya, parang nagkaroon tuloy ako ng insecurities sa buhay. "Joke lang, huwag ka ng malungkot di ka naman mukang matanda. Di ko nga alam sa babaeng yon kung bakit nasabi niya na papa kita, malabo lang siguro mata nun." Sagot niya sa akin. "Ang gwapo mo kaya, mas gwapo ka pa sa mga lalaking kakilala ko." muli niyang ani. Napangiti nama

