LIEZEL DELA CRUZ “Babe…” Napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang boses ni Josh. Nasa harap ko na siya ngayon, at hindi pa rin ako makapaniwala na pagkatapos ng lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan ko. Heto... At magkasama pa rin kaming dalawa. “Nasaan ka na naman? Saan ka na naman dinala ng pag iisip mo?” tanong niya. Ngumiti ako, medyo naluluha. “Naaalala ko lang… yung unang beses mo akong dinala dito.” Napabuntong-hininga siya. “Yeah… I remember." "Takot na takot ako noon,” sabi ko. “Kahit alam kong mali, ay pumayag ako sa gusto mong maging Mistress mo ako." Tahimik lang siya, lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa aking likuran. “Hindi na mali ngayon,” mahina niyang sabi. Tumingala ako para makita ko siya. “Sigurado ka?” tanong ko. “Sigurado ako,” sago

