Napabuntong-hininga ako. “Hindi niya matanggap na wala na kami,” sagot ko. “Pinaghiwalay kami noon… at simula nun, nagkaganito siya.” “Josh… sigurado ka ba?” mahina niyang sabi, “delikado ba siya?” muli niyang tanong. Hindi ako agad sumagot. Ayokong takutin siya. Pero hindi rin ako pwedeng magsinungaling. “Hindi ko alam kung hanggang saan siya kayang gawin,” sagot ko. Saglit siyang tumahimik, nakatitig lang siya sa picture at parang hindi siya makapaniwala. Parang ang lalim ng iniisip niya. “Pero isa lang sigurado,” dagdag ko, mas matigas na ang boses ko. “Ano?” tanong niya. “Hindi ko siya hahayaang lapitan kayo,” sabi ko kay Liezel habang hinihila ko siya palapit at niyakap ng mahigpit. “Pangako, aayusin ko ‘to. May mga tao na akong kinakausap. Huwag ka nang matakot.” Tumango s

