Tulog na si Gov ng mailabas nila ng bar. Ipinasok na nila ito sa sasakyan magkatabi sila sa likod, habang yakap ni Liezel ang binata at yakap yakap niya dahil nakahiga ito sa balikat niya. Nakarating sila ng Building kung saan naroon ang penthouse ni Gov. Sa private lift na sila sumakay para walang makakita sa kanila. Pagkarating nila sa loob ng penthouse ay pinahiga na ni Dan si Gov sa silid nito. "Kuya ako na bahala sa kanya, pwede ka na matulog sa kabilang silid." sabi ni Liezel. "Hindi na, babalik na ako ng ospital, kung may kailangan ka pa tawagan mo lang ako para mapuntahan kita agad dito," bilin nito sa dalaga. Tumango lang naman ang dalaga at tuluyan ng lumabas ng silid nila si Dan. Pag alis ni Dan ay kumuha na si Liezel ng bimpo at isang panggana na may yelo. Binanlawan ni

