"No, I want to give everything to you. I stick to my promise that I will support you in achieving your dreams. From now on, huwag ka nang mag-alala sa pamilya mo—bibigyan kita ng sapat na halaga para makatulong sa kanila. Hindi mo kailangang pagurin ang isip mo o gumawa ng paraan para sa kanila. Ako na ang bahala sa inyo," buong pagmamahal kong sabi kay Liezel. Nakita ko ang pagpatak ng kanyang luha; agad ko itong pinunasan. Ayaw kong makitang umiiyak siya. Kaya kong ibigay ang lahat basta makita ko lang siyang masaya at maligaya sa piling ko. "Thank you, Gov," pasasalamat niya sa akin. "Alam mo, nakakatanda ang Gov. Alam ko naman na mas matanda ako sayo, pero gwapo pa naman ako diba? Hindi pa naman ako masyadong alangan sa ganda mo." nakangiti kong sabi sa kanya. Gusto kong gawing mas

