Hindi ko na namalayan na nakaulog na pala ako kagabi, nagising lang ako dahil sa may tumatawag sa cellphone ko. Kaya kahit pikit pa ako ay agad ko itong sinagot. “Good morning, mahal ko, kamusta ang tulog mo?” Napabalikwas ako nang gising ng marinig ko ang boses ni Gov. hindi ko namalayan na umaga na pala. “Okay lang naman ako, good morning, Gov.” bati ko rin sa kanya. “May sasakyan na ba kayong gagamitin paglabas ng Papa?” “Meron na po, huwag ka ng mag alala naayos ko na po lahat kahapon.” Sagot ko naman. “Pasensya ka na kung hindi kita masamahan ngayon. Gustuhin ko man na ako ang susundo sa'yo, ay hindi ko magawa.” “Ayos lang, naintindihan ko. Pumasok ka na ba sa office mo? Nag-almusal ka na ba?” tanong ko sa kanya. Gusto ko lang, kahit papaano, ay maramdaman niyang nag-aalala ri

