“Kuya Dan, kaninong bahay ito? Ang ganda naman at ang presko, parang ang sarap tumira dito.” Buong paghanga na sabi ko. “Mamaya mo malalaman kung kaninong bahay ito, pumasok na muna tayo para makakain na kayo.” Sabi pa ni kuya Dan. Mula sa pinto ay lumabas ang isang naka unipormeng babae na medyo may edad na rin. “Ma’am, kayo po ba si Ma’am Liezel?” Tanong niya sa akin. “Manang, liezel na lang po, huwag niyo na po akong tawaging Ma’am.” Sagot ko naman, medyo nahiya kasi akong tawagin niyang Ma’am. Di naman ako ang nagpapasahod sa kanila. Inaya na kami ni Manang a loob ng bahay, maging si Aira at Yham ay talagang napahanga din sa bahay. Sobrang ganda at bango sa loob ng bahay. Mayroon din siyang taas at kita mo talaga na mayaman ang may ari. Dumiretso kaming magkakaibigan sa dining at

