"Joshua, where are you? Kailangan mong umuwi dito sa bahay, marami tayong pag-uusapan," mariin ang utos ni Mommy. "Marami po akong tinatapos ngayon, hindi ako makakauwi," walang gana kong sagot. "Ano ba talaga ang ginagawa mo diyan sa Manila? Palagi kang wala dito sa Laguna. Kakatawag ko lang sa office mo, hindi ka naman daw pumasok. Sabihin mo nga sa akin ang totoo, meron ka bang ibang pinagkakaabalahan, ha, Joshua?" "Mom, I need to go, bukas na ako makakauwi kailangan ko ng umalis." pagdadahilan ko kay Mommy para matapos na ang usapan namin. Hindi ko pwedeng iwan ngayon si Liezel, lalo na may sakit siya. Magalit na sila sa akin pero hindi ko iiwan si Liezel sa ganitong sitwasyon. Binili ko ang gamot na sinabi ni Richard, duman din ako ng flower shop at binilihahn ko ng bulaklak si L

