Siguro kailangan ko rin munang ilayo ang sarili ko sa kanya, poprotektahan ko muna ang sarili ko para hindi ako masaktan ng husto. Tumayo na ako pagkatapos kong ligpitin ang mga bubog na nasa sahig, itinapon ito sa basurahan at pumasok sa aking silid para maligo at maghanda sa pagpasok. Maaga akong umalis ng penthouse, ayaw kong maglagi doon dahil paulit-ulit lang bumabalik sa isip ko yung napanood kong balita. Dumiretso ako sa isang coffee shop na malapit sa university, dito muna ako mag rereview. Tahimik pero malayo sa alaala ni Josh kaya makakapag review ako ng maayos. Natapos ang quiz ko na perfect ang nakuha kong score, yung sakit na nararamdaman ko ang gagawin kong sandata para mas lalo kong galingan ang pag aaral ko. Palabas na ako ng Campus ng salubungin ako ni Rolly. "Liezel,

