CHAPTER 44-2

725 Words

"Bakit ba ang hirap mong mahalin, Josh." Bulong ko sa hangin, nandito ako sa veranda para makasagap ng hangin. Para kasi akong sinasakal kapag nasa loob. Yung dating masayang ambiance ngayon parang ang bigat. Nakaupo ako sa upuan habang nakatingala, rinig ko ang ingay ng syudad at ang malamig na simoy ng hangin na nanunuot sa balat ko. Nakahalukipkip ako at pilit na pinapakalma ang sarili ko, ayaw ko ng umiyak bahala siya kung ako gusto niya. 'Ilang buwan na lang Liezel, konting tiis pa.' Naramdaman ko na may mga yabag na parating, hindi ako nilingon kung sino man yun. Alam kong si Josh yun, wala akong balak makipag usap sa kanya. "I'm sorry... sorry kung nakapagsalita ako sayo ng hindi maganda. Marami lang akong iniisip na problema, akala ko pagpumunta ako dito gagaan ang pakiramdam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD