"Ma'am, excuse me, are you looking for Sir Michael?" tanong ng isang cleaner. "Yes! Do you know where he is?" nakangiti ko namang tanong. "I think he's already checking out, ma'am," sabi niya sa akin. Ang daya, hindi man lang nagpaalam sa akin. Basta na lang iniwan ang regalo niya pero di man lang ako hinintay para makapagpasalamat. Nakasimangot ako habang dismayado sa harap ng babaeng cleaner. Bagsak ang balikat ko na bumalik sa room ko. Sayang hindi man lang ako nakapagpasalamat at di ko man lang nakuha ang number niya o kaya ang social media account niya. Maski ang apelyido niya ay hindi ko rin alam. Wala na akong nagawa, nagligpit na ako ng gamit ko sinigurado kong wala akong maiiwan bukas. Sasakay na lang ako ng taxi dito o kaya ng grab. Marami naman nakaabang sa labas ng hotel.

