"Magandan gabi po, Ma'am Liezel,." bati sa akin ni manang. "Magandaang dabi din po." Mahina kong sagot. "Manang pakitawag nga po lahat ng kasama natn dito at may pag meetingan lang po tayo." Sabi ni kuya Dan. Nang matipon na silang lahat ay saka nag salita si Kuya Dan. "Magandang gabi po sa ating lahat, alam naman po ninyo ang nangyari kay Gov. Ilalabas na po siya bukas ng ospital at dito siya pansamantalang titira. Ang mag aalaga po sa kanya ay si Liezel, dahil isa po siyang nurse. Hindi ko na po kailangan sabihin sa inyo kung sino si Liezel sa buhay ni Gov. Ipapaalala ko lang po sa inyo na walang dapat makaalam kung ano ang relasyon ni Liezel at Gov manatili po sana itong sikreto sa ating lahat." Sabi ni Kuya Dan sa mga kasambahay na kasama namin dito sa loob ng bahay. "Huwag n

