Mrs. Benitez wiped her tears and gently held Liezel’s hand. “Anak, hindi lang trabaho ang ginawa mo. Ramdam ko ang pag-aalaga mo sa anak ko. At habang-buhay ko ‘yang ipagpapasalamat.” “Ayos lang po iyon, Ma’am. Kagaya nga po ng sinabi ni Miss Carla, trabaho ko ito bilang nurse, at obligasyon kong alagaan si Gov dahil bayad po ako,” sagot ni Liezel, habang mahigpit niyang hinahawakan ang kamay ni Mrs. Benitez. Ramdam ni Liezel ang taos-pusong pasasalamat ng ginang—hindi lamang para sa kanya bilang nurse, kundi para sa lahat ng oras, pagod, at pag-aalaga na ibinuhos ni Liezel kay Joshua. Napangiti siya nang mahina, at may luhang pilit pinipigil sa gilid ng kanyang mga mata. “Alam mo, Liezel,” mahinang sabi ni Mrs. Benitez, “marami ng nag-aalaga sa anak ko… pero ikaw lang ang nagpakita ng

