"Ma’am Liezel, totoo po bang gising na si Gov?" maingat niyang tanong. Saglit akong napapikit bago tumango. "Opo, Manang," mahina kong sagot. Hindi ko maitago ang lungkot sa boses ko. Napahawak siya sa dibdib niya. "Salamat sa Diyos… sa wakas, " sabi niya. Ngunit ilang segundo lang ay napansin niya siguro ang lungkot sa mukha ko. "Totoo rin po ba na hindi ka na niya makilala?" Hindi agad ako nakasagot. Parang may kung anong sumakal sa lalamunan ko. Pilit akong ngumiti, pero alam kong makikita niya pa rin ang lungkot na pilit kong itinatago. "Ganun na nga po, Manang," mahinahon kong tugon. "Hindi niya ako maalala." Natahimik siya. "Naku po…" Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ko. "Ayos lang po, Manang. Kahit tuluyan na niya akong makalimutan." Bahagya akong tumingin sa basong pinu

