Tumutulo ang luha ko habang sinusulat ko ang liham ko para magpaalam kay Josh. Ito na talaga ang huling iyak ko, dahil pag labas ko sa pintuan ng penthouse na ito doon na matatapos ang kwento ng pag ibig naming dalawa. Tinupi ko ang sulat at inilapag ito sa bed side table na madaling makikita ni Josh kapag pumasok siya dito sa kwarto. Ito na talaga. Wala nang atrasan. Huminga ako nang malalim bago tumayo. Isinara ko ang zipper ng maleta ko at saglit na pinagmasdan ang buong silid. Ilang taon din akong nanirahan dito. Sa bawat sulok ng kwartong ito ay may alaala may masakit, pero mas marami ang masaya, mga alaalang pinagsaluhan namin ni Josh noong naniniwala pa ako sa happy ending at fairy tale. . Ayoko nang balikan ang mga iyon. Dinampot ko ang maleta ko at tuluyang lumabas ng pent

