CHAPTER 63-2

1088 Words

Nakatayo siya sa may pinto habang nakapamewang, mas matalim na ngayon ang tingin niya sa akin. “Hindi ka pa rin umaalis?” malamig niyang tanong. Dahan-dahan akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Pagod na akong magpigil. “Alam mo Chloe,” kalmado pero matigas kong sabi, “kanina pa kita pinapabayaan. Pero mukhang hindi ka titigil hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo.” Umangat ang kilay niya. “At ano naman ang gusto ko?” mapanghamon niyang tanong. “Na umalis ako dito.” Sandali siyang natahimik, pero mabilis ding ngumisi. “Tama ka,” walang pag-aatubili niyang sagot. “Dahil hangga't nandito ka, lalo ka lang mapapahiya.” Napahigpit ang kamao ko pero pinigilan ko ang sarili ko. “Hindi ako nandito para makipag-agawan ng lalaki,” sabi ko. “Trabaho lang ang pakay ko dito.” “Talaga?” sarka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD