“Gov, seryoso ka na ba na hahanapin natin si Liezel?” tanong ni Dan sa akin habang sakay kami ng aking sasakyan. “Oo,” diretso kong sagot. “Ipapaayos ko na sa abogado ko ang annulment namin ni Carla.” Saglit akong tumahimik bago ko siya muling tinanong. “Siya nga pala… kamusta ang pag-iimbestiga mo tungkol sa aksidente ko?” Bahagyang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Dan. “Negative pa rin po, Gov. Wala pa rin kaming mahanap na kopya ng CCTV sa lugar kung saan nangyari ang ambush.” Napahugot ako ng malalim na hininga. Hindi ako makapaniwala, napakalinis ng pagkakagawa ng lahat walang witness, walang CCTV, walang kahit anong bakas. Parang may naglinis ng lahat ng ebidensya. “Imposible…” mahina kong sabi habang nakatingin sa kalsada. Alam kong hindi iyon aksidente. May gustong puma

