“Sigurado ka?” tanong ko pa rin, may halong pag-aalinlangan. Tumango siya. “Oo naman. Matagal ko na ring gustong ilabas ang kambal. Kita mo naman, parang sawa na sila dito sa loob ng bahay. Matagal na rin naman tayong hindi nakakapasyal. Bukas may trabaho ka na naman, sa mall na lang tayo para maipamili ko na rin sila ng mga gamit nila” muli pang sabi ni Adrian. "Adrian, ako na ang mamimili ng gamit nila. Hindi mo sila kailangan gastusan. Ako ang nanay nila kaya ako dapat ang bumibili ng pangangailangan nila." Sabi ko sa kanya. "Nahihiya na ako sayo, ang dami mo ng naitulong sa amin. Sapat na ang pagpapatira mo sa amin dito sa bahay mo." muli ko pang sabi. "MAsaya ako sa ginagawa ko. Kulang pa yan, kung hahayaan mo lang akong maging parte ng buhay mo higit pa dito ang kaya kong ibig

