“Pwede bang… huwag dito?” dagdag ko, halos pakiusap na. Sandaling natahimik si Josh. Nakatingin lang siya sa akin, parang may gustong basahin sa mukha ko. “Totoo ba?” tanong niya, mas mahina na ang boses pero mas matalim. “Hindi mo talaga ako kilala?” nakatingin lang siya sa akin na parang nakikiusap ang mga mata. Napayuko ako. Hindi ako sumagot, natatakot din ako na baka pag sumagot ako ay may masabi akong pagsisihan ko bandang huli. Narinig ko ang marahang paghinga ni Adrian sa tabi ko, parang pinipigilan ang sarili niyang magalit. Biglang lumapit si Josh ng isang hakbang. “Tignan mo ako, liezel,” patuloy niya, “ wala lang ba ako sayo. Gano’n na lang ba kadali sa’yo na kalimutan ako?” hindi galit ang nakikita ko sa mga mata niya kundi pagsusumamo. “Josh,” this time mas malamig

