Napahugot ako ng malalim na paghinga, mabuti na lang at tapos na ang pag hahanap ko. Minsan umaayon din sa akin ang tadhan. "Salamat, bro, hulog ka talaga ng langit sa akin" sabi ko kay Rufus. . Ngumiti siya. "Hindi libre ang pagtulong ko sayo, Bro, " nakangiti niyang sabi sa akin "Kahit anong hilingin mo sa akin ibibigay ko, makausap ko lang si Liezel." ani ko kay rufus. Ilang minuto lang ang nakalipas ng muling tumunog cellphone ni Rufus. Mabilis niyang sionagot ang tawag, "Hello, ate" narinig kong sabi niya. "Talaga, sige pupunta kami dyan bago mag 10 a.m." Pagkababa niya ng telepono ay agad ako ko siyang tinanong. "Anong sabi ng pinsan mo." kinakabahan kong tanong,. "Positive, doon nga siya nag wowork at 10am ang duty niya. Maaga panaman kaya mahaba pa ang oras natin par

