Huminga ako nang malalim. Parang unti-unting lumilinaw ang isip ko, kahit masakit. “Natatakot ako,” pag amin ko. “Alam ko,” sagot niya. “Pero hindi ka nag-iisa.” Tumingin ako sa kanya. At sa pagkakataong ’yon, mas lalo kong naintindihan kung gaano siya kabuting tao. Hindi siya yung tipo na ipipilit ang sarili niya. Kundi yung taong handang umatras… para lang maging buo ako at maging maligaya. “Salamat,” mahina kong sabi. Ngumiti siya. “Anytime,” sagot niya. “Kahit masakit sa’kin, kung ’yan ang makakapagpatahimik sa’yo… susuportahan kita.” sabi niya sa akin. Humarap ako sa kanya at hindi ko napigilan ang sarili ko na yumakap sa kanya. "Thank you Adrian, thank you sa lahat ng tulong mo sa akin. Mula noong unang araw na magkilala kita at magpasa hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nag

