Maya-maya lang ay nakita kong bumukas ang locker room nila at lumabas siya. Simple lang ang suot niya. Maluwag na pantalon at white fitted shirt at naka pony lang ang buhok niya. Bitbit nito ang dalawang bag at isang ecobag, halatang galing sa mahabang duty. “Ako na,” agad sabi, sabay lapit at kuha ng isa sa mga bag niya. “Josh, okay lang...” tanggi ni Liezel. “Please,” marahan kong putol sa sasabihin niya.. Sandaling natahimik si Liezel bago niya hinayaang kunin ko ang bag niya. Naglakad kami palabas ng ospital nang magkatabi, pero kapansin pansin na aparang ayaw man lang niyang dumikit sa akin. . Parang may malaking pader na namamagitan sa aming dalawa. “Saan tayo?” tanong ni Liezel nang makarating kami sa parking lot. Saglit akong napaisip , saka tumingin sa kanya. “Drive muna

