"Naglaro po kasi siya kanina sa Playground ate, hinahanap niya po si Sir Adrian maglalaro daw po sila ng ball." Sabi sa akin ni Beng ang nag aalaga kay Matt. Bigla akong nakaramdam ng awa sa anak ko. Lumuhod ako sa harap niya at saka ko siya niyakap. Feeling ko ang sama kong ina kasi hindi ko hinayaan na makilala nila ang daddy nila. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Matt, hindi ko naiwasan na hindi mapaluha. "Kuya, do you want to have a tatay?" naiiyak kong tanong sa kanya. Nakita ko na umaliwalas ang mukha niya at mabilis siyang tumango. Lalo akong naiyak kasi naramdaman ko yung kagustuhan niyang magkaroon ng daddy sa tabi niya. "Baby, listen to nanay, do you want to meet your tatay?" hindi ko mapigilan ang luha ko habang tinatanong ko ito sa anak ko. Biglang lumapit si Freya n

