Kinuha ni Josh ang pagkain sa mesa. “Kumain ka na ba?” tanong niya. “Tapos na, sabay kaming kumain ni Adrian. ” sagot ni Liezel. Kinuha ni Josh ang pagkain at tumabi kay Liezel. "Kumain ka ulit, kailangan marami kang kainin para mabilis bumalik ang lakas mo." seryoso nitong sabi. "Josh, hindi mo ako obligasyon. Kaya ko ang sarili ko. Kung gusto mong kumain., kumain kang mag isa mo at hindi mo ako kailangan pilitin." Inis na sabi ni Liezel. “Sorry, gusto ko lang naman na alagaan ka. Gusto ko lang bumawi sa ilang taon na wala ako sa tabi mo." nakayukong sagot ni Josh. Biglang nakaramdam ng awa si Lizel, para sa binata. Saglit siyang tumingin kay Josh. Hindi na siya nakipagtalo. " Okay, kakain na ako. " Tipid niyang sabi. Dahan-dahang umupo si Josh sa tabi niya at sinimulan siyan

