JOSHUA BENITEZ Napapangiti ako habang palabas ng silid ni Liezel, sobrang saya ng puso ko dahil pumayag na siyang muli ko siyang suyuin. Sapat na muna yun para sa akin. Nauna akong lumabas kesa sa kanya. Inabutan ko na ang mga anak ko na masayang kumakain sa sala nila. "Tatay, ang dami mo pong binili na food." Hindi magkamayaw na sabi ni Freya, habang panay ang subo ng pizza. Nakakatuwang pagmasdam ang dalawa kong anak, kahit maliliit pa sila ay napakalakas ng kumain. Lalo na si Matt na kamukhang kamukha ko. At si freya naman ay hati kami ng mukha ni Liezel. Nakita kong palapit sa akin si Dan at tumayo sa tabi ko. "Gov, baka gusto mo naman i share sa akin yung pinag-usapan ninyo ni Liezel?" bulong sa akin ni Dan. Siniko ko lang siya bilang tugon. Pero hindi siya mapakali at g

