JOSHUA BENITEZ Pagkatapos namin mag usap ni Liezel ay lalo akong nanghina, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas. Tumayo ako at kinuha ang gamit ko, bahala na kung saan ako mapadpad. Binilin ko sa secretary ko na dalawang araw akong mag out of town kaya wag akong tatawagan o iistorbohin. Ayaw ko rin naman umuwi sa bahay ko dahil nandoon si Carla. Iba na ang trip ng babaeng yon, hindi normal ang kilos niya kaya ayaw ko muna siyang makasama. Pag labas ko ng kapitol ay may sumalubong sa akin na matandang babae. "Gov, hihingi po sana ako ng tulong sa inyo para maipagamot ang asawa ko." naluluhang sabi ng isang matandang babae sa akin. "Kailangan niyo po ba ng pera? Ano po ba kailangan ninyo?" tanong ko. "Pambili lag po sana ng gamot at pampacheck up. Gusto ko lang pong gumaling an

