"Just take this and I will leave," malungkot na sabi ni Gov. Benitez. Tinanggap ni Liezel ang bulaklak, nakaramdam siya ng konti awa sa gwapong gobernador. Natanong niya tuloy sa kanyang sarili kung masyado ba siyang naging prangka. Mas maganda na siguro na nasabi niya ang gusto niyang sabihin para tuluyan na siyang tigilan ni Gov. Benitez. Samantalang si Gov ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Liezel. Ngayon lang siya nabasted ng babae, kadalasan ay babae ang lumalapit sa kanya. Mula noong unang araw niyang makita si Liezel hanggan sa tuluyan niya na itong makilala ay lalong tumitindi ang pag nanais niyang maging girlfriend ang dalaga. "Gov, kamusta, nakapag-usap ba kayo ni Liezel?" tanong ni Dan sa kanyang boss. "Pinaalis niya ako, sinabi niyang tigilan ko na raw siya at ayaw niyang m

