Hindi ko gusto ang ganitong buhay pero wala naman akong pagpipilian. Hindi namin kayang iprovide ang malaking halaga na kakailanganin ni Papa dito sa ospital. Baka kahit mangutang pa si mama ay hindi pa rin sa-sapat ang perang makukuha niya. Nagtatalo ang isip at puso ko, kung isip ang pagaganahin ko mas pipiliin kong maging praktikal. Pero kapag puso ko ang masusunod ayaw ko, hindi ko siya mahal ayaw kong makasira ng pamilya. Isa pa kilalang tao siya, pag nagkataon malaking gulo ang papasukin ko. “Sigurado akong hindi ako papayagan ng mga magulang ko sa gusto mong set up. Paano ko sasabihin sa kanila na isa akong kabit ng gobernador? Anong sasabihin ko sa kanila kapag sa ibang bahay na ako titira?” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. “You don’t need to tell them kung

