“Sir, the patient is ready for transfer to Makati Med, isasakay na po namin siya sa ambulance.” Sabi ng nurse na kausap namin. Magiging mabilis lang naman ang byahe at kasama ang attending physician niya sa paglipat ng hospital. Mas maganda kasi ang facilities sa private hospital kaya mas mabibigyan siya doon ng mas magandang pag aalaga ng ng nurse at doctor. Unconscious pa ang papa ni Liezel dahil sa kanyang naging operasyon. “Dan, ikaw na ang sumama sa ambulance, isasabay ko na si Liezel sa akin. Ako na ang mag da-drive.” “Okay, Gov, ako na po ang bahala.” Sagot ni Dan. Nauna na silang umalis, kami naman ni Liezel ay nagpunta na sa parking. Pinag buksan ko siya ng pinto ng kotse at inalalayan ko siyang sumakay. Lumapit ako sa kanya. “G-Gob!” Her voice trembled, and her heart was

