“Gov, napatawag ka? Ka-kamustahin mo ba ang my loves mo?” ani ni Dan sa kabilang linya. Kahit hindi ko siya nakikita, alam ko na nakingisi siya at pinagtatawanan ako. “Tigilan mo ako, Dan. Alam kong pinagtatawanan mo ako,” sagot ko kay Dan. “Ibang klase ka din naman talaga eh. Akalain mo yun, hindi muna niligawan, naging asawa mo agad. Ang tulis mo talaga, gob. Lodi na kita,” tumatawang sabi ni Dan sa kabilang linya. “I’ve told you, what Joshua wants, Joshua gets. Umayon lang sa akin ang panahon, kaya grinab ko na. And now, wala na siyang magagawa dahil akin na siya.” “Pero masaya ako para sayo Gov, ramdam kong malaki ang pagkagusto mo kay Liezel; pero magkaiba ang gusto sa mahal. Sana lang ma-panindigan mo siya at ma-protektahan. Alam mong malaking gulo ‘tong pinasok mo pag-nagkata

